^

Pang Movies

Jolo nilantad na ang bagong dyowa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jolo nilantad na ang bagong dyowa

Kumpirmado na ngang may bago nang girlfriend si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ito ay si Angelica Alita, first-runner up in the 2016 Binibining Pilipinas pageant.

 

Nanggaling mismo ang kumpirmasyon kay Jolo nang mag-post siya kahapon, Valentine’s Day ng larawan nila ni Angelica na magkasama. Sa nasabing photo ay larawan sila pareho ng kaligayahan especially Jolo na obviously ay tuluyan nang naka-move-on sa break-up with Jodi Sta. Maria.

Ang sweet ng caption ni Jolo sa larawan. Aniya, “Angel, happy valentine’s day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. You’ve been caring, loving and supportive to me. I love you and will always will.”

Si Angelica naman ay nag-post sa kanyang Instagram Stories ng larawan ng bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ni Jolo.

Caption niya, “I got a little confused when I saw you running towards the door, the only time I saw you run that fast was when you heard the binatog vendor pass by. May pasabog ka pala.

“Thank you bebi. Happy Valentine’s day @jolo_revilla.”

As for Jolo, hindi ito ang unang beses na nag-post ang aktor/pulitiko ng larawan nila ni Angelica. Unang nakita ang beauty queen sa kanyang Instagram page last January sa celebration ng birthday ng kanyang anak na si Gab.

Makikita sa larawang ipinost ni Jolo na kasama niya at ng kanyang pamilya si Angelica celebrating Gab’s birthday. Dito nga nagsimulang umingay na may bago na siyang girlfriend pero that time ay hindi pa kumpirmado.

Dingdong at Dennis tapos na ang partnership

Ngayong gabi na, Friday, ang finale episode ng Cain at Abel ng GMA 7 na pinangungunahan nina Primetime King Dingdong Dantes and Drama King Dennis Trillo.

Ayon kay Dingdong ay nag-enjoy daw siya talaga doing the series because of its intriguing plot.

Bukod dito, talagang nag-enjoy din siya working with everyone especially the collaborative effort of the entire team.

Para naman kay Dennis, ang pagganap bilang Elias ay isa raw sa pinaka-challenging roles na nagawa niya.

Ayon pa sa aktor, pinaka-fulfilling part daw sa lahat ay ‘yung opportunity na makatrabahong muli si Dingdong.

Under the direction of Don Michael Perez, don’t miss the finale of Cain at Abel this Friday after 24 Oras on GMA Telebabad.

 

vuukle comment

ANGELICA ALITA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with