^

Pang Movies

Hindi gumigimik!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Hindi gumigimik!

Dahil sa Time & Again movie presscon kahapon ay nausisa tuloy ang actress/beauty queen na si Winwyn Marquez tungkol sa relasyon nila ni Mark Herras at inamin nga niyang hiwalay na silang dalawa.

Hindi puwedeng pagbintangan na gumigimik si Winwyn dahil may pelikula siyang ipapalabas kaya bigla niyang inamin ang tungkol sa break-up nila ni Mark.

Hindi naman kasi madalas na nakakatsikahan ng entertainment press ang anak na ito nina Alma Moreno at Joey Marquez, kaya kahapon nga lang siya natanong tungkol sa kanila ni Mark at kahapon lang siya nakapagbigay ng update na hiwalay na nga sila.

Nilinaw nga pala ni Winwyn na wala silang away ni Mark. Maayos daw ang paghihiwalay nila at hindi rin puwedeng sabihin na may third party.

“Mutual decision” daw ang naganap kina Winwyn at Mark.

Pero kung loveless man si Winwyn ngayon, ang Time & Again leading man naman niya na si Enzo Pineda ay may non-showbiz girlfriend.

Noon ay nakikita ko pa si Enzo na kasa-kasama ang non-showbiz girlfriend na kumakain sa isang restaurant sa Shangri-La Mall sa may Mandaluyong City.

Direk Joey nakiayon na gawing biyernes ang opening ng mga pelikula

Ang direktor ng Time & Again na si Joey Reyes ay nagsabing na-sad siya na hindi pinanood ang Elise.

Maganda raw kasi talaga ang pelikula.

Umaasa si Direk Joey na magkakaisa ang mga taga-movie industry para mapalakas ang ating local movies.

Sana nga raw ay maging united ang lahat at hindi kanya-kanyang interes lang ang manaig.

Sang-ayon din si Direk Joey sa panukala ng marami na gawing Friday na ang opening day ng mga pelikula!

Anak ni Ruffa nagpaparamdam na sa pagiging beauty queen

Marami ang nagkomento na pang-Miss Universe ang mga sagot ni Lorin Gutierrez sa live guesting nila kahapon sa Magandang Buhay ng nanay niyang si Ruffa Gutierrez.

Ang galing-galing sumagot ni Lorin, kaya naman very proud si Ruffa sa kanyang panganay.

Marami nga ang pumuri kay Lorin after ng guesting niya sa morning talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

May iba rin na nagsabing pang-beauty queen ang dating ng mga sagot niya at nagte-thank you lang si Lorin.

Pangiti-ngiti rin lang si Lorin kapag may mga nagtatanong kung like her mother ay gusto rin niyang maging beauty queen.

Feeling ko, mas gusto ni Lorin na maging beauty queen kesa mag-artista!

Janine at Tom sa hapon ilalagay

Dapat ay noong February 12 ang pictorial ng cast ng Dragon Lady ng GMA 7 na pagtatambalan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, pero naging February 21 ‘yon.

Afternoon daw ang magiging timeslot ng Dragon Lady at mali ang duda ng iba na ito ang papalit sa Onanay.

Mukhang matagal pa nga ang tatakbuhin sa ere ng Onanay series na isa sa mga bida si Nora Aunor.

vuukle comment

LORIN GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with