^

Pang Movies

Anne level up nang mag-asawa

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Napakalaking swerte ang hatid ng pag-aasawa ni Anne Curtis. Sa halip na bumaba ang kanyangpermium bilang artista nang maging misis ay mas lalo pa siyang sumikat, at lumevel up nang husto ang kanyang pagiging aktres. Luminya siya at kinaya ang pagiging action star pero, hindi rin niya naiwawala ang pagiging effective niya sa romcom na gaya ng pinatunayan niya nang i-partner siya kay Dingdong Dantes sa Sid & Aya Not: A Love Story. Pati non-showbiz work niya para sa UNICEF ay napapangatawanan niya.

 

Jinggoy, Edu, goodbye na sa showbiz ‘pag nanalo

Dahil sa gagawin nilang paglahok sa pulitika sa eleksyon sa Mayo, napagpasyahan ng tumatakbong muli para sa kanyang reeleksyon sa senado na si Jinggoy Estrada at ng kapwa niya taga-San Juan na si Edu Manzano na running for congressman na iwan na ang kanilang pag-aartista kapag nagtagumpay ang laban nila sa pulitika. Naniniwala sila pareho na nakapagpasaya na sila ng maraming tagasubaybay ng lokal na showbis at naibalik na nila ang anumang utang na loob nila para sa maraming taon na itinagal ng kanilang pag-aartista.

Kasama ni Sen, Jinggoy sa kanyang pa-party sa mga kinagigiliwan niyang entertainment media dahil mas loyal sila sa kanya maski na sa panahong nasa loob siya ng kulungan, ang anak niya si SJ Vice Mayor Janella Estrada na tatakbong mayor. Malakas ang loob ng nakakabatang Estrada dahil may blessing siya ni Mayor Guia Gomez sa kabila ng kanilang sitwasyon at dahil marami siyang mga nagawang proyekto bilang Vice Mayor.

Karina ng PBB nagpakatotoo

Kung may pinakaabangan ang mga manonood ng Pinoy Big Brother (PBB), ito ay kung sino sa apat na kabataang babae na nakasama sa Big 4  na sina Kairi Oenuma, Karina Bautista, Lie Reposposa, at Jelay Pilones ang lalabas na biggest teen winner ng PBB Otso.

Ang sinasabing malandi na si Karina ay kumuha ng papuri at paghanga ng mga nakapanood sa kanya sa Tonight with Boy Abunda dahil sa pagpapakatotoo niya na aminin na pangalawang pamilya lamang sila.

Marami namang pinahanga si Jelay Pilones sa galing niya sa beatbox. Nagmula siya sa pamilya na may talento sa music.

Malakas din ang laban niya para maging PBB biggest winner pero, ipinamamahala na niya sa swerte ang magiging kapalaran niya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with