^

Pang Movies

Mga kaibigan ni Gretchen nagpaliwanag sa ‘di niya pagsipot sa reunion

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang presscon kahapon ng Exit Point na isang hardcore action movie na produced ni Ronnie Rickets at iri-release ng Viva Films on February 20.

 

Umaasa si Ronnie na mauuso uli ang action movies. 

Ikinuwento nga niya na may action movies din daw sila na pinaplano ni Robin Padilla.

Sa February 17 ang premiere night ng pelikula na si Ronnie rin ang direktor at bida.

Nasa presscon din ng Exit Point ang misis ng aktor na si Mariz, pati si Jackie Lou Blanco na gumaganap na jail warden sa pelikula.

Sabi ni Mariz, ang mister raw talaga ang nag-cast kay Jackie Lou sa pelikula at hindi raw ito nasali sa pelikula dahil best friends sila.

Sabi naman ni Jackie, hindi nila pinag-usapan ang talent fee nang kunin siya sa Exit Point.

“Sabi ko, willing akong gawin ang pelikula for free,” sey ni Jackie.

At dahil kaharap na nga namin sina Jackie at Mariz na naging co-hosts noon ni German Moreno (SLN) sa GMA Supershow, napag-usapan namin ang naganap na “reunion” nila ng iba pang mga naging co-host ng defunct musical variety show ng GMA 7.

Hindi naman sila kumpleto, pero may ibang hinahaluan ‘yon ng intriga. Ang iba, sinasabing kaya wala roon si Gretchen Barretto ay dahil si Dawn Zulueta ang organizer ng reunio, pero nilinaw nina Jackie Lou at Mariz na biglaan lang na nagkayayaan at kung sino lang ang available ay ‘yon lang ang nagpunta.

“Actually, last year, nagkaroon na rin, hindi nga kami naka-attend ni Mariz dahil hindi kami available. ‘Yung mga wala sa get-together na ‘yon sa Manila House Private Club, hindi rin kasi available.

“Nagkayayaan lang sa Viber group namin. Kung sino lang talaga ang puwede. I think hindi talaga puwede si Gretchen,” sabi pa ni Jackie Lou.

Si Dawn nga raw ang nag-blowout sa kanila dahil member ito sa lugar na ‘yon.

Sana nga raw sa susunod na bigla silang magyayaan ay makumpleto na ang lahat ng nga naging bahagi ng GMA Supershow dahil ang saya-saya raw na nagkikita-kita sila.

Siyempre, na-miss din nila sa gathering na ‘yon ang kanilang mentor na si Kuya Germs.

Nagbalik-tanaw nga raw sila noong magkakasama pa sila sa show na ‘yon tuwing Sunday.

Raymond handa nang masabugan ng powder

Ngayong araw na ito ay maglalaro sa Boom! game segment ng Eat Bulaga si Raymond Gutierrez at ang nieces niyang sina Lorin at Venice.

Hindi na isinama pa si Ruffa dahil bago pa lang ang Boom! ay nakapaglaro na siya kasama sina Donita Rose at Assunta de Rossi.

Tinanong ako ni Ra–ymond kung alam ba nina Lorin at Venice ang game na ‘yon at sinabihan ko siya na panay na ang practice ng kanyang nieces, kaya better na manood siya ng Boom! sa YouTube dahil marami namang naka-post doon.

Bale matagal-tagal na ring hindi nakalabas si Raymond sa local TV, lalo na sa GMA 7, kaya excited din naman siyang maglaro sa Eat Bulaga.

Handa na rin si Raymond na masabugan ng colored powder kung magkakamali siya ng sagot.

Sylvia magtatanggal ng stress sa Japan

Mukhang na-stress sa mga basher si Sylvia Sanchez kaya umalis siya kahapon, kasama ang mister na si Art Atayde, pa-Japan.

Magpapahinga raw muna roon ang mag-asawa.

Marami nga pala ang nag-advice kay Sylvia na huwag nang patulan ang bashing sa kanya ng ibang mga AlDub fan na obviously ay walang magandang magawa sa buhay!

vuukle comment

RONNIE RICKETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with