^

Pang Movies

Pokwang balik-trabaho na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Aksidente lang ang pagkikita nina Annabelle Rama at Pokwang sa Trellis Manila restaurant/flower shop/store ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal noong Friday night, pero naisipan kaagad ng una na kunin ang huli para sa next dinner concert na ipo-produce niya.

 

Actually, type ni Bisaya si Pokwang dahil kahit ginagaya-gaya siya ng comedienne ay hindi naman siya nababastos.

Nang mag-usap nga sila, nakabuo kaagad si Bisaya ng magiging partisipasyon ni Pokwang sa kanyang dinner concert na ipo-produce para sa birthday ng anak niyang si Ruffa Gutierrez.

Tiyak na matutuwa si Ruffa kapag nalamang isa si Pokwang sa mga magpe-perform sa kanyang birthday dinner concert na ipo-produce ni Bisaya dahil nagkasama na ang dalawa sa pelikulang Mommy Returns na prinodyus ni Mother Lily Monteverde some years back.

Aliw na aliw si Ruffa kay Pokwang habang ginagawa nila ang pelikulang ‘yon.

Samantala, mukhang may bagong show si Pokwang sa Kapamilya network dahil nakita namin na seryoso silang nagmi-meeting ni Deo.

Nag-one year na ang bunso ni Pokwang na si Malia O’Brian kaya puwede na siyang mag-concentrate uli sa kanyang showbiz career.

Claudine pina-follow na uli si Gretchen!

Nagre-rejoice naman ang fans ni Claudine Barretto dahil nag-follow na raw uli ang aktres sa ate niyang si Gretchen Barretto.

Ang wish nga ngayon ng kanilang mga fan ay magkabati naman sana ang dalawa.

Noong bago pa lang ang gap nila, kapag nakakausap ko sina Claudine at Gretchen (of course, sa magkahiwalay na pagkakataon), madalas kong sabihin sa kanila na kahit gaano pa katindi ang maging away nila ay magkakabati at magkakabati sila dahil magkadugo pa rin naman sila!

Well, sana nga ay matupad ang wish ng mga fan!

‘Boyet challenge’ pinakiusapang tantanan

May duda ang ibang fans ng My Special Tatay ni Ken Chan na may gustong manira sa series nila kaya naman may gumawa ng The Boyet Challenge na nakakaapekto sa mga taong may autism.

Nakiusap na nga ang GMA-7 na tigilan na ang ganoong challenge dahil sila mismo sa My Special Tatay ay walang masamang gustong ipa­kahulugan sa mga taong may autism!

Ang ginagawa naman ni Ken na pag-potray sa character ni Boyet sa My Special Tatay ay parte ng kanyang pagiging artista at never nilang pinaglaruan sa series ang pagkakaroon ng autism ng kanilang lead character!

Mapapangasawa ni Miss Intercontinental Karen Gallman sobrang matsika

Matsika ang fiancé ni Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman na si Ian Garton.

Nang makita ko nga si Ian kasama si Karen ay obvious na proud fiancé siya ng ating kauna-unahang Miss Intercontinental.

Kahit nga pala sinasabi ng mag-fiancé na wala pa silang balak magpakasal kaagad, ang duda naman ng marami ay magpapakasal na ang dalawa kapag natapos na ang reign ni Karen bilang Miss Intercontinental 2018.

Sa Australia nga pala nagkakilala sina Karen at Ian at anim na taon na ang kanilang relasyon!

 

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with