Lea nanonood ng k-drama habang nagpapagaling sa leg injury
Uy nanonood na rin ng Korean drama ang Pinay Broadway star na si Lea Salonga.
Sa kanyang Facebook account kahapon, kinuwento niyang pinanood niya ang Encounter at nagandahan siya ha. “My mother introduced me to another Korean drama yesterday: ‘Encounter’ starring Song Hye-kyo and Park Bo-gum. Just watched the first episode last night, and it is goooooooooooooooood,” post niya.
Kasalukuyang may injury si Lea kaya naman na-move ang UK Tour dates niya at kaya siguro may time siyang manood ng K drama.
Kasalukuyan siyang namamahinga at nagpapagaling matapos ngang maaksidente habang nagbabakasyon sa Japan.
Nabalian siya sa leg habang nag-i-ski sa Hokkaido, Japan.
Mahihilig sa sing along nalungkot sa pagpanaw ni James Ingram
Maraming nalungkot na mahilig sa sing along nang mabalitaan nilang namatay na si James Ingram na ayon sa report ay dahil sa sakit na brain cancer.
Si Ingram ang boses sa mga kantang Just Once, I Don’t Have The Heart, There’s No Easy Way, How Do You Keep the Music Playing, One Hundred Ways, Somewhere Out There, Whatever We Imagine, at marami pang iba.
Suking-suki sa mga sing along ang mga nabanggit na kanta ng American singer na maraming beses na ring nag-concert sa bansa.
Ang kaibigan ng Grammy Award winner and R&B singer na si Debbie Allen ang nagkumpirma ng kanyang pagpanaw sa Twitter message kahapon.
“I have lost my dearest friend and creative partner James Ingram to the Celestial Choi. He will always be cherished, loved and remembered for his genius, his love of family and his humanity. I am blessed to have been so close. We will forever speak his name.”
- Latest