^

Pang Movies

Hindi kay Aljur? Robin may gusto nang pamanahan ng trono!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang bilis ng sagot ni Robin Padilla nang matanong kung close na ba sila ng manugang na si Aljur Abrenica.

 

“Oo, very!” sambit ni Binoe.

‘Tol daw ang tawag niya kay Aljur na normal naman talagang tawag ni Binoe sa mga kasamahan niya sa industriya at mga kaibigan na rin.

Siyempre, “Daddy” raw ang tawag sa kanya ni Aljur pero nakokornihan daw siya.

“Iba na panahon ngayon, hindi na ganu’n. Baka sa usapin ng magkaibigan at mag-best friend, mas mahalin pa niya lalo ang anak ko (Kylie Padilla),” sey ng action star na bida sa Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.

Masaya na ba siya para kina Kylie at Aljur ngayon?

“Dati naman akong masaya sa. . .masaya ‘yung anak ko, ang inaano ko lang naman dati, bigyan nila ng pangalan ‘yung anak nila, nabigyan na nila, di ayos! Praise God!” pahayag pa ni Robin.

Naikwento rin ng action star na dapat ay si Aljur sana ang kinukuha nila para sa bio-flick ni Bato pero hindi raw nag-materialize dahil nga ang daming umiintriga na propaganda movie ito.

Kung siya lang daw, talagang gusto na niyang ipa­mana sa mga younger action star ang kanyang trono. Siyempre una sa listahan niya si Coco Martin.

Bukod kay Coco, sino pa ang nakikita niyang pwedeng pamanahan ng kanyang trono sa action?

“Si Dingdong (Dantes), okay sa akin si Dingdong, magandang kumilos si Dingdong din, eh. Si Dennis Trillo, okay rin naman. Pero sana, ang ina­ano ko, ‘yung totoong martial artist, naghahanap talaga ako. ‘Yung magdadala ng FMA (Filipino Martial Arts) sa Asia. ‘Yun talaga ang dream ko.”

Hindi ba pwede ang bunso niyang anak na si Ali?

“Anak ko? Nakoo!” nagulat na sey ni Robin. “Eh siguro, mag-training siya ulit. Wala, in-love, eh, may girlfriend, eh. Hayaan mo muna siya,” sabi pa niya.

Xian ayaw ng live in!

Magkasalungat ang paniniwala ng bida ng Hanggang Kailan na sina Xian Lim at Louise delos Reyes tungkol sa living-in. Parehong in a relationship ang dalawa ngayon – si Xi as we all know ay kay Kim Chiu at ang aktres naman ay kay Gino na isang businessman.

Ayon kay Louise, open daw siya sa living-in at posibleng mangyari pero hindi pa naman daw nangyayari ngayon.

“Pero magkalapit lang ‘yung bahay namin. Pero siyempre, ka­i­la­ngan mo ring alagaan ‘yung magiging tingin sa ‘yo ng mga tao and at the same time, nirerespeto ko rin ‘yung family niya, nirerespeto niya ‘yung family ko.

“And siguro, darating siya talaga sa point na magkakasama kami sa isang bahay kapag kasalan na. Kasi, alam mo ‘yun, parang ano siya, eh, one month subscription muna bago mo kuhanin ‘yung isang app di ba? So, parang ginagawa naming joke na ganu’n,” sey ni Louise.

Nang tanungin naman si Xian kung open siya sa living-in, aniya ay hindi raw.

“Kasi, I live with my Mom and my lola, ang ngayon po, my lolo.”

In the near future halimbawa?

“Pag kasal na. And naniniwala rin ako na, I mean, very old fashioned kasi ako, lumaki akong kasama ang nanay at lola. So, I think, sila talaga ‘yung mas priority ko po,” saad ni Xian.

 

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with