^

Pang Movies

Tony nakakapagtrabaho na uli!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Tony nakakapagtrabaho na uli!

May permit na nga ba?

Nagtatrabaho na uli si Tony Labrusca, pagkatapos ng isyu ng aktor sa Immigration. Kasama siya sa cast ng Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken at dahil pinost ni director Joey Reyes ang photo ni Tony with the other cast, siya ang tinanong ng isang netizen.

Sa tanong ng netizen kung nakakuha na ng working visa si Tony? “Yes, he has acquired the work permit. Otherwise he would not be on the set.”

Ayan, malinaw, walang nilabag na batas si Tony at ang management nito at kahit ang Dreamscape na siyang producer ng Babae Sa Septic Tank na ilalabas sa iWant TV at bida pa rin si Eugene Domingo.

Hindi lang nabanggit ni direk Joey kung ano ang role ni Tony sa Babae Sa Septic Tank sa direction ni Marlon Rivera.

Ricky magiging tatay ni Robin

Sina Ricky Davao at Gina Alajar ang guma­ganap na magulang ni Robin Padilla sa biopic ni General Ronald dela Rosa na The Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa Story na showing sa January 30. Si Ricky lang ang dumating sa presscon, hindi nakarating si direk Gina, baka may taping ng Onanay.

Kuwento ni Ricky, ang ama ni Gen. Dela Rosa ang isa sa humubog sa pagkatao nito, hindi naman daw Papa’s Boy si Gen. Dela Rosa, pero sa pagre-research ng creative team ng Bato, nalaman nilang malaki ang influence kay Gen. Dela Rosa ng ama nito, in fact, ang buong pamilya nito ay malaki ang influence sa Heneral.

Dagdag na kuwento, kayang ipagpalit ni Gen. Dela Rosa ang kanyang career for his family dahil importante sa kanya na buo ang kanyang pamilya. Kaya lang, supportive at understanding tiyak ang misis ni Gen. Dela Rosa dahil narating nito kung anong meron siya ngayon na buo pa rin ang pamilya.

Hindi na namin nakausap si Ricky dahil sa deadline, magpapakwento sana kami sa experience niya nang dumalo sa 79th Golden Globe Award. Sa post ni Ricky sa Instagram (IG), pinasalamatan nito ang mag-asawang Ruben at Janet Napoles, kaya ang feeling namin, ang mag-asawa ang nag-imbita kay Ricky.

Rita nagpaka-fan girl kay Jolina

May pinost na picture si Ken Chan, kasama si Jolina Magdangal at hindi na nagtanong ang followers ni Ken kung saan sila nagkita ni Jolina. Masaya sila na nagkita ang dalawa dahil idol pala ni Rita Daniela si Jolina at nabanggit si Jolina at ang song nitong Chuva Choo Choo sa isang episode ng hit Afternoon Prime ng GMA-7 na My Special Tatay.

Hit na hit ang love team nina Ken at Rita sa My Special Tatay, ang daming kinikilig sa dalawa at marami ang nagwi-wish na sana, maging real ang reel love team nila. May mga nagre-request na nga na pagkatapos ng My Special Tatay, bigyan ng kasunod na project ang dalawa at rom-com naman daw.

BF ni Glaiza nadadalas ang dalaw

Nasa bansa ang foreigner boyfriend ni Glaiza de Castro na si David Rainey at magkasama pa sila sa Camiguin Island. Nasa bansa na rin yata ang BF ng aktres noong birthday niya last January 21, kaya doble ang saya ni Glaiza.

Tinutukso ng kanyang mga kaibigan si Glaliza, may nag-request na ipakilala na sa kanila si David dahil gustong marinig ang accent nito. Kundi kami nagkakamali, British si David, kaya magandang pakinggan ‘pag nagsalita.

Lahat ng kaibigan ni Glaiza, masaya sa kanya na finally, nahanap na nito ang lalakeng magmamahal sa kanya. Kung narito pa sa February 1, si David, mapapanood nito si Glaiza sa concert ni JM de Guzman na kung saan, guest ang aktres.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with