^

Pang Movies

Janine desididong maging chef!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Janine desididong maging chef!

Bukod pala sa maging magaling na artista, nasa bucket list pa rin ni Janine Gutierrez ang maging isang chef, which is not surprising dahil ang kanyang stepfather at bagong asawa ni Lotlot de Leon na si Fadi El Soury ay isang businessman at nagmamay-ari ng isang restaurant sa Pa­rañaque City.

A college graduate from Ateneo de Manila University, Janine had to finish her studies first bago sumabak sa showbiz. Iyon daw kasi ang usapan nila ng kanyang mommy at lola na si Pilita Corales na isang singing icon, also Ramon Christopher’s mom.

Masasabing isa si Janine sa pinaka-importanteng contract talent ng GMA-7, at ngayon nga ay may pelikula siya sa Regal Entertainment, ang Elise, kung saan katambal niya ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Of Enchong, meron siyang restaurant, located sa isang kilalang mall sa Metro Manila. Enchong has another business, too which explains kung bakit hindi na muna siya masyadong active sa showbiz. Ganunpaman, excited daw siya about Elise dahil ito ang unang beses na magtatambal sila ni Janine.

Marco dinenay si Janella!

Marco Gumabao denies na nag-attempt siya na ligawan si Janella Salvador tulad ng nababasa sa social media dahil nga sa minsanang nakita silang magkasama sa isang restaurant.

Ang katotohan daw nito ay kasama nila si Barbie Imperial na kanyang pinsan sa tunay na buhay.

Imperial ang maiden name ng mother ni Marco na si Loli Gumabao, dating isang ramp model. Ang katotohanan daw na iyon ang ipinaliwanag niya kay Elmo Magalona nang magkita sila. Si Elmo ay dating na-link kay Janella, at mukha naman daw naintindihan ito ng aktor.

‘Di raw sila ganon ka-close ni Elmo pero kaibigan ang turing niya rito.

Samantala, as of the moment ay happy daw siya sa napapabalitang kinikita ng Metro Manila Film Festival 2018 entry nila na Aurora, kung saan gumanap siya bilang leading man ni Anne Curtis.

Idinirek ni Yam Laranas ang nasabing pelikula at sinasabing nasa pa­ngatlong puwesto ito bilang isa sa top grosser. It is produced by Aliud Productions and Viva Films.

Alice epektib na epektib sa kasamaan

Napaka-effective ni Alice Dixson sa kanyang role as a kontrabida sa malapit nang magtapos na seryeng Ngayon At Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

You will simply hate her to the max dahil siya ang puno’t dulo ng mga masamang kaganapan sa Cortez family.

As a former beauty queen-turned-actress, Alice started in showbiz bilang favorite leading lady sa napakaraming sikat at naggaguwapuhang aktor noon tulad na lang nina Aga Muhlach, Christopher de Leon at Richard Gomez.

Why she decided na mag-turn bilang kontrabida ay mahabang kuwento raw ayon sa kanya.

Samantala, gaganap siyang muli bilang leading lady kay Aga sa pelikula nilang Greenland na kinunan mismo sa bansang Greenland.

Now married to a hotel executive, A­lice is divorced from her Filipino husband who is a resident of Canada.

Walang anak si Alice sa unang asawa.

Alice will turn 50 on her birthday in July this year.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with