^

Pang Movies

Alden anak kung ituring ni Joey

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden anak kung ituring ni Joey
Joey

Marami ang nagmamahal kay Alden Richards at naramdaman niya ‘yon kahapon nang mag-celebrate siya ng 27th birthday sa Eat Bulaga dahil nag-trending ang kanyang kaarawan.

Walang puwedeng kumontra sa public opinion na isa si Alden sa mga sikat na aktor na napakabait at walang kayabang-yabang sa katawan na isang dahilan kaya love na love siya ni Senator Tito Sotto, Joey de Leon at Bossing Vic Sotto.

Kita n’yo naman, in his own little way, nagbigay si Papa Joey ng tribute kay Alden sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“Happy Birthday at isa ka sa pinakamasipag, maaalalahanin at mapagmahal sa pamilya na nakilala ko! Mabuhay ka!” ang birthday tribute ni Papa Joey kay Alden na co-host niya sa Eat Bulaga.

Kahit noong magkasama pa kami sa Startalk, ikinukuwento ni Papa Joey ang paghanga niya kay Alden dahil may respeto ito sa lahat, masipag at dedicated sa trabaho.

Parang tunay na anak na rin ang turing ni Papa Joey kay Alden, pati na kay Maine Mendoza na malaki ang kontribusyon sa patuloy na pamamayagpag ng Eat Bulaga.

Very thoughtful din si Alden at napakatalas ng memorya nito dahil halos lahat ng mga reporter, kilala at alam niya ang mga pangalan.

Ang magandang ugali at mga katangian ni Alden ang dahilan kaya patuloy ang pagdating ng suwerte sa kanyang personal life at career.

Siyempre, good health ang birthday wish ko para kay Alden. Wish ko rin na magkaroon na siya ng lovelife ngayong 2019 dahil ito na lang yata ang kulang para madagdagan ang ins­pirasyon niya sa pagtatrabaho.

Movie ni Jose pang-buwena mano sa 2019

Hindi na maabot si Jose Manalo dahil ang pelikula niya ang unang ipalalabas sa mga sinehan ngayong 2019 at pagkatapos ng 44th Metro Manila Film Festival.

Si Jose ang bida sa Boy Tokwa: Lodi ng Olongapo na unang movie project ng VST Productions ni Senate President Tito Sotto.

Tatahimik-tahimik si Jose pero nakatapos na pala ito ng isang pelikula na siya ang lead star. Kasama rin si Jose sa cast ng blockbuster movie na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Masipag si Jose sa pagpo-promote sa Eat Bulaga ng Boy Tokwa. Masuwerte si Jose dahil suportado ng Eat Bulaga Dabarkads ang pelikula niya. Tinutulungan siya ng mga host ng Eat Bulaga sa promo ng kanyang pelikula.

Iza at Ben nagha-honeymoon sa Bora!

Mga beach person talaga si Iza Calzado at ang kanyang husband na si Ben Wintle.

Beach wedding sa Club Paradise sa Palawan ang tema ng pag-iisang dibdib nina Ben at Iza noong December 19.

Sinalubong naman nila ang bagong taon sa Boracay island na parang honeymoon na rin ng mga bagong kasal.

Ang magkaroon agad ng anak sina Ben at Iza ang New Year’s wish ko para sa kanila para lalong tumibay ang kanilang pagmamahalan at pagsasama.

Sure ako na cute ang magiging anak nina Ben at Iza dahil pareho sila na good-looking.

vuukle comment

JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with