^

Pang Movies

Mariel seseryosohin na ang pagkanta

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Mariel seseryosohin na ang pagkanta
Mariel de Leon

I’m sure marami na ang nag-aabang sa concert na gagawin ni Ogie Alcasid sa Va­lentine’s Day sa Resorts World Manila. Marami ang gustong panoorin ang OPM supporter at minsan ay naging pangulo ng organisasyon dahil sa mga magaganda niyang kanta na siya mismo ang gumawa.

Kaya niyang dalhin ang kanyang mga palabas nang nag-iisa pero, sa halip ay ginagawa niyang venue ang concerts niya para magbigay ng pagkakataon na magpakilala ng mga bagong pangalan sa pagkanta.

Isang popular na reyna ng kagandahan ang anak na babae nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon na bago naging Binibining Pilipinas ay isa munang singer. Pero, wala pang maraming nakakarinig sa kanya, kung meron man ay baka iilan lang sila.

Mas nakilala si Mariel sa kanyang malayang pagbibigay ng opinyon sa maraming bagay kaysa sa kanyang pagkanta. Pero sa concert ni Ogie ay ipamamalas niya ang isa pa niyang talento na namana niya sa kanyang mga magulang. Hopeful ang  fans niya na this will open doors for her sa mundo ng pagkanta.

Personal…

Happy New Year sa lahat. Sana all our wishes for 2019 ay makamtan natin. Gumanda sana ang ating buhay, maging masagana at mapayapa ang ating bansa. At maging malusog tayong lahat.

vuukle comment

MARIEL DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with