^

Pang Movies

Marian tinuloy ang biyahe kahit binawalan ng doktor

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Marian tinuloy ang biyahe kahit binawalan ng doktor

Dahil sa pagbubuntis ni Marian Rivera sa pa­ngalawang anak nila ni Dingdong Dantes, ini-reveal ng aktor na binawalan pala ito ng doktor na magbyahe kaya muntik nang hindi matuloy ang pagpunta nila sa Hong Kong Disneyland last November para i-celebrate ang 3rd birthday ng anak nilang si Letizia or Zia.

Matatandaang nagpunta nga ng Disneyland sa Hong Kong ang Dantes family last month dahil ito ang birthday gift nila kay Zia.

Nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account at ikinuwento ang muntik nang pagka-unsyami ng plano.

“When we asked her what she wanted for her birthday— thinking that it’s about time we throw her a simple children’s party— she immediately answered, “I just want to be with you Mama and Daddy...and i want to meet Mickey Mouse.”

“But after months of planning with already confirmed bookings and two days before the flight to a Disneyland in Asia, we received a health travel advisory from our doctor stating that it would be dangerous for us to proceed given Marian’s pregnancy,” ang caption ni Dong sa mga larawang kuha nila sa Hong Kong.

Pero siyempre, hindi puwedeng hindi ito matuloy dahil nga ito ang hiling ng kanilang anak kaya talagang ginawan nila ng paraan.

“Naku! We felt that it would break Zia’s heart knowing that she had been talking about how excited she was in seeing the magical place.

“So, with the help of some friends, we were able to swing a last minute trip to what children see as the happiest place on earth. Thank you @dougkramer and @angelydub.

“Nothing beats the genuine reaction of happiness from your little one on the fulfillment of her dreams— no matter how big or small,” pahayag pa ni Dong.

Ibinahagi rin ng mag-asawa sa kanilang You Tube account ang experience ng anak sa Disneyland Hong Kong kung saan ay natupad daw ang wish nito na ma-meet ang mga favorite Disney characters at maging prinsesa at ma-experience ang Disney fireworks.

Sobrang saya sa Pasko, Bela nakasama ang amang british

Sobrang saya ng Pasko ni Bela Padilla dahil nandito sa Pilipinas ang kanyang British father para makasama siya sa importanteng okasyong ito.

Ayon sa post ng aktres sa kanyang Twitter account, first time ever niyang nakasama ang Daddy niya ng Christmas.

“What may be a traditional dinner for you was a first experience to me...in 27 years, its my first time to spend this holiday with my dad. So i took him out to dinner with 2 of my closest friends and i had moments where i was just quietly soaking it all in. It felt great,” ang tweet ni Bela kahapon ng umaga.

Bagama’t hindi nakasamang lumaki ni Bela ang ama na naka-base sa Thailand, may communication naman silang mag-ama’t makikita mo sa mga interviews and posts ng aktres na talagang mahal na mahal niya ang ama.

Revilla family kumpleto na

Pero wala na sigurong sasaya pa sa mag-anak na Revilla ngayong Pasko dahil nga sa paglaya ni Bong Revilla before Christmas.

Four years ding nag-Pasko sa loob ng kulungan ang dating Senador at ito ang first Christmas niya sa labas matapos lumaya.

Nakaka-touch ang video na ipinost ni Jolo Revilla sa kanyang IG Story kung saan ay makikitang sama-sama sila ngayong Pasko. May video rin na tila kina-carolling nila si former Senator Ramon Revilla Sr. sa hospital at kinakantahan nila ng Christmas songs.

Nag-post din si Jolo ng larawan ng buong pamilya nila at sa caption, aniya, “Maligayang pasko sa inyong lahat! Matapos ang nakalipas na 4 na pasko, kumpleto ang aming pamilya na sasalubungin ang kapaskuhan ngayong gabi.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with