^

Pang Movies

Jack Em Popoy… nakakuha ng ‘A’!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jack Em Popoy� nakakuha ng �A�!

Dalawang Graded A at anim ang Graded B ng Cinema Evaluation Board na entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

 

Graded A ang entry nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin na Jack Em Popoy na dinirek ni Mike Tuviera. Graded A rin ang all-star cast na Rainbow’s Sunset na dinirek ni Joel Lamangan.

Binigyan naman ng Grade B ang One Great Love nina Dennis Trillo, JC de Vera at Kim Chiu na dinirek naman ni Eric Quizon at ang The Girl In The Orange Dress nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola mula sa direksyon ni Jay Abello. Ganundin ang Fantastica and Mary Marry Me.

Di ko sure, pero nagpa-review ba o hindi ang isa pang entry na Otlum?

Samantala, sa katatapos na premiere ng Rainbow’s Sunset last Tuesday sa Trinoma Cinema, magkahiwalay na dumating ang estranged couple na sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Ang huli ang producer ng pelikula.

Sinamahan ni Romnick ang anak na si Zeke Sarmenta na bahagi ng pelikula habang escort naman ni Harlene ang kuyang konsehal, si Hero Bautista. Nagpaunlak naman sila ng separate interviews sa media pero magkahiwalay sila ng upuan, huh!

Camille Villar lumakas ang loob sa pagho-host!

Tumatanaw ng utang na loob sa showbiz si Camille Villar, anak nina former senator Manny Villar at incumbent senador Cynthia Villar. Kaya naman handa na siyang pasukin ang pulitika na dati ay inaayawan niya.

Tatakbo si Camille sa local position sa lugar nila sa Las Piñas City.

“Dahil sa showbiz, nagkaroon lalo ako ng self-confidence sa pagharap at pakikipag-usap sa mga tao. I learned a lot from my hosting stint kaya yes, handa na akong pumasok sa pulitika,” pahayag ni Camille sa breakfast chikahan with the entertainment press.

Ayon naman kay DPWH Secretary Mark Villar, mas maraming tulay at daan ang bubuksan next year. Maayos na rin ang kalsada sa Boracay dahil nakakuha na sila ng right of ways kaya maagan na ang daanan ng tao at sasakyan.

Si Senator Cynthia naman, ang pagbibigay ng makinarya at edukasyon sa ating mga magsasaka ang gusto niyang bigyan ng importansiya nang sa gayun eh makaagapay sila sa farmers ng ibang bansa.

vuukle comment

JACK EM POPOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with