^

Pang Movies

Alex kinaiinisan ang pagiging pakialamera at perfectionist ni Toni!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang pagiging pakialamera ni Toni Gonzaga ang kinaiinisang ugali sa kanya ng younger sister na si Alex Gonzaga. Sinabi ito ng huli sa nakaraang presscon ng Metro Manila Film Festival movie nilang Mary, Marry Me.

 

“Masyado siyang pakialamera and masyado siyang perfectionist. Saka pag stressed siya, dapat, lahat ng tao, stressed sa paligid niya,” pagre-reveal ni Alex.

“Pag stressed siya, tapos, nakikita niyang relaxed ka, magagalit siya. Eh ako, ayoko nang masyadong nai-stress, kasi pag na-stress ako, grabe ring stress. So, ayoko, parang nire-relax ko, tapos nagagalit siya lagi,” dagdag pa ni Alex.

Ano naman ang endearing quality ng ate niya?

“Endearing? As of now, wala pang makita,” natatawa niyang sabi.

“Endearing naman, she’s very generous, she’s very respectful, and ano siya talaga, pag kasama mo siya sa set, parang lahat ibibigay niya, eh  - pera, pagkain, time, emotions, lahat. So, masarap siyang kasama sa set. ‘Yun nga lang, ‘wag na siyang mangengealam,” patuloy ni Alex na natawang muli.

Ayon naman kay Toni, magkaiba raw talaga sila ng estilo ng pagtratrabaho ni Alex. Siya raw kasi, pag nasa trabaho ay medyo focused at intense.

“Si Alex is more than the laid back, relax, so parang ako ‘yung… napansin ko naman siya, talagang she takes everything on a light mode, parang ganu’n. Parang feeling mo, lagi siyang hindi seryoso,” sey ni Toni.

Pero in fairness naman daw kay Alex, pag drama ang eksena, ibibigay nito ang hinihingi at pagkatapos na pagkatapos ng take ay maingay na ulit.

“Mabilis siyang mag-snap out du’n sa situation,” ani Toni.

Ang maganda raw kay Alex ay kilalang-kilala siya ng kapatid.

“She knows me so well. Kilalang-kilala niya ako. Alam na alam niya, siya ‘yung nagsasabi sa akin na ‘o, masyado kang tensed,’ nire-remind niya ako.”

Lagi rin daw siyang napapasaya ni Alex at pag malungkot siya, tatawagin lang daw niya ang younger sis.

Sa showbiz, alam naman ng lahat na laging nagsasagutan at nagkokontrahan ang magkapatid pero kitang-kita rin naman kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at kung gaano sila ka-supportive of each other.

Jennylyn at Gabby walang atrasan!

Kasado na ang next teleserye ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa GMA-7 kung saan ay si Gabby Concepcion naman ang magiging leading man niya.

Nag-post si Gabby ng mga larawan nila ni Jen kasama ang iba pang cast ng serye at sa caption, aniya, “For the 1st time on GMA PRIMETIME. A new Romantic Comedy Teleserye with @mercadojenny and the cast. Supported by the Network, a team of brilliant and intellectual writers, director, prod.staff and crew. Abangan sa 2019.”

Kapansin-pansin na kasama sa cast si Kiray Cellis na kumpirmasyon na rin na nilayasan na nga niya ang ABS-CBN. Also in the the cast are Sheena Halili and Shaira Diaz.

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with