^

Pang Movies

Xian wala pang naka-line up na gagawin

YSTAR - Baby E - Pang-masa

“It’s a great mo­vie,” mabilis na sagot ng direktor ng pelikulang One Great Love na si Eric Quizon nang tanungin siya kung bakit karapat-dapat panoorin ang nasabing pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Pinagbibidahan nina Kim Chiu, Dennis Trillo, at JC de Vera ang One Great Love kung saan gaganap din siya bilang ama ni Kim.

Ayon kay Eric, ang One Great Love daw ang kauna-unahan niyang pelikulang napasama bilang entry sa MMFF kaya naman sinigurado raw niyang kaya nitong makipagsabayan sa iba pang entries.  Ito rin daw ang unang pagkakataon na makatrabaho niya sina Kim, Dennis, at JC and he looks forward to working with all three of them again, lalo na raw si Kim, na pumayag for the first time makipag-torrid kissing with her leading men.

No wonder, first screening pa lamang daw ng One Great Love, pano­noorin na ito ng current great love ni Kim na si Xian Lim.

Speaking of Xian, ba’t yata di siya active lately? wala pa rin kaming napapabalitang gagawin niyang project next year bukod sa ididirek niyang pelikula titled, Tabon. Former solid Kapamilya like Kim, he is now with Viva Artists Agency.

Heart na-in love sa probinsiya ni Chiz

Now a solid GMA-7 talent, Heart Evangelista may have to lay low in her showbiz career muna. She will be with husband Senator Chiz Escudero na tumatakbo for Governor ng Sorsogon ngayong May 2019 elections, more frequently.

Na-inlove raw si Heart sa nasabing probinsya at sa mga tao rito.

Well-known ang mga Escudero sa Sorsogon, since solid Sorsogueño ang ama ni Senator Chiz na si Salvador Escudero, who has been entrusted with a number of important government position, both local and national.

Gloria at Margie mas pure kesa kina Pia at Catriona!

Kung ang dalawang nauna nating mga Miss Universe na sina Gloria Diaz na nanalo noong 1969 at Margarita (Margie) Moran na nanalo naman noong 1973 ay may mga magulang na pure Fili­pino, ang dalawang sumunod naman nating Miss U na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray ay may mga magulang na Pinoy, German at Australian.

Parehong Pinay ang nanay nina Pia at Catriona habang ang mga ama nila ay German at Australian.

Si Gloria naman ngayon ay may dalawang anak na at isa na ring lola. Pinakasalan niya si Bong Daza, habang si Margie naman ay napangasawa ni Tony Florendo, Jr. of the fame Florendo family ng Davao.

Isa siya sa executives na namamahala ng Cultural Center of the Philippines (CCP) and the Ballet Philippines.

Catriona at Ice maraming pagkakapareho!

Maliban sa pagiging Miss Little Philippines sa Eat Bulaga nina Miss Universe Catriona Gray at Ice Seguerra, parehas din silang only child at Bicolana ang mga nanay.

Catriona’s Mom, Normita, is from Oas, Albay, while Ice’s mom, Mommy Caring si from Tabaco, Albay.

Si Ice ngayon ay kasal na sa chairperson ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na si Liza Diño. Si Catriona naman ay boyfriend ang upcoming actor na si Clint Bondad.

vuukle comment

ERIC QUIZON

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with