^

Pang Movies

Kim nasa orig na Orange Dress

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa nakaraang presscon ng The Girl in the Orange Dress starring Jericho Rosales and Jessy Mendiola ay sinagot ng producer na si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films kung bakit napa­balita noong una na kasama si Kim Chiu sa pelikula.

 

Ayon sa lady producer, isinumite nila ang casting sa Metro Manila Film Festival committee nang wala pa silang nakakausap na artista kaya inilagay nila ang mga ikino-consider nila para sa movie.

Sa leading lady ay inilagay nila si Kim and Jessy Mendiola at sa leading man naman ay apat ang inilagay nila – Jericho, Sam Milby, Tom Rodriguez and Kit Thompson.

Isa lang ang leading lady at leading man na kukunin nila at alin sa mga nabanggit ang kanilang pinagpipilian.

Iyon daw ang dahilan kung bakit dalawa ang nakalagay na artista sa lead actress at apat sa lead actor.

Nang ma-finalize na nga sina Jessy and Echo, ayon kay Atty. Joji, she really thinks na perfect ang dalawa for the role.

Natuwa rin ang producer na malamang nakatulong ang movie para mapigilan sa pagku-quit sa showbiz si Jessy.

Dennis masuwerte sa 2018

Masaya na sa lovelife, masaya pa sa career. Ganyan magtatapos ang taon ngayon ni Dennis Trillo.

Sa career, sobrang feeling thankful ngayon ni Dennis dahil bukod sa drama series nila ni Dingdong Dantes na Cain at Abel sa GMA-7, mayroon din siyang Metro Manila Film Festival movie, ang One Great Love with Kim Chiu and JC de Vera handog ng Regal Entertainment.

Sa love life naman, aminado rin ang aktor na masaya siya sa piling ni Jennylyn Mercado at mukhang nahanap na nga raw niya ang kanyang ‘one great love.’

“Gusto kong isipin at naniniwala ako sa one great love. Gusto kong isipin na nahanap ko na siya, kasi okay naman ako, masaya ako ngayon and ganu’n ‘yung nararamdaman ko,” ani Dennis.

Feeling blessed din ang aktor na nakasama nila ni JC de Vera sa mo­vie for the first time.

“Masuwerte kami na nakatrabaho namin siya kasi nakita namin ‘yung dedication niya sa shooting. Kahit pagkatapos ng shooting, talagang nagbabantay siya sa editing, ina­alam niya kung ano ang magandang soundtrack na gagamitin, daig pa niya ang producer, kaya sobrang saya namin na talagang  tutok siya at ganu’n siya ka-involve sa pelikula,” sey ni Dennis.

Paano naman niya inalalayan si Kim sa mga love scenes nila?

“Noong una, pareho talaga kaming kinakabahan, pero habang pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin, parang mas nagiging kumportable na kami sa isa’t isa and with the guidance of direk Eric (Quizon), naitawid namin nang maayos and very artistic ‘yung pagkakagawa namin,” sey ng aktor.

Ken masaya sa bigay na ‘star’ ni Kuya Germs

Sobrang saya naman ni Ken Chan na nakasama siya sa bagong batch ng celebrities sa Walk of Fame, TV category. Natanggap ng Kapuso actor ang kanyang Walk of Fame star last Monday sa Eastwood City.

Sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat si Ken at inalala ang namayapang si German Moreno na siyang nagsimula ng Walk of Fame.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with