^

Pang Movies

Ken excited sa star mula sa tatay

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ken excited sa star mula sa tatay

Dumating ang My Special Tatay lead actor na si Ken Chan sa GMA-7 Christmas party for the press noong Tuesday night.

In fairness, maraming press ang nagpa-picture kay Ken.

Marami rin sa press ang nag-congratulate sa kanya dahil sa Monday ay isa siya sa mga celebrity na bibigyan ng “star” sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood City.

Ang Walk of Fame Philippines ay proyekto ng yumaong TV host na si German Moreno na siyang tatay-tatayan ni Ken.

Importante ang parangal na ‘yon kay Ken dahil parang ang “Tatay” na niya sa showbiz ang nagbigay sa kanya kahit yumao na ito dahil si Kuya Germs naman ang nagsimula ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood City.

General Bato hinahamon ang mga basher!

“Bashers will always be haters” ‘yon ang basa ko sa dialogue ni Retired General Ronald ‘Bato’ dela Rosa nang magkaroon siya ng meet & greet with the entertainment press.

May isang basher na rin daw na pinatulan ang retired general na kandidatong senator sa susunod na eleksyon.

May nam-bash nga raw sa kanya at sinabing iyakin naman siya dahil ilang beses nga siyang umiyak sa senate inquiries at sinagot daw niya ito ng something like magsuntukan na lang sila at tingnan na lang kung sino ang unang iiyak sa kanilang dalawa.

Hindi rin naman daw siya napipikon sa mga pamba-bash ng iba sa kanya lalo na noong nagsuot siya ng mamahaling jean brand na gift sa kanya ng kapatid niyang taga-Las Vegas, Nevada at sale lang naman nang bilhin nito.

Samantala, never daw siyang nakatanggap ng offer mula sa FPJ’s Ang Probinsyano para umarte, pero may isang TV network daw siya na nilabasan na umarte siya, pero maigsi lang naman.    

Trailer ng Fantastic kinaaliwan

Naging generous sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Vice Ganda sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry nila na Fantastica na prodyus ng Star Cinema at Viva Films.

Bago natapos ang presscon, nagpa-raffle si Richard ng sampung five thousand pesos na P50,000 ang total, si Dingdong ay dalawang P10,000 naman ang pina-raffle at si Vice Ganda ay P100,000 naman ang total cash prizes ang ipina-raffle. Masaya ang presscon ng Fantastica dahil ikinuwento ni Vice ang mga nakakatawang eksenang ginawa nina Richard at Dingdong.

Medyo alanganin pa nga raw ang dalawa sa ibang mga nakakatawang eksena nila, pero ginawa pa rin ng mga ito.

Ipapakita nga raw sa ending ng Fantastica ang bloopers ng lahat ng mga kasali sa Fantastica at kasama na roon ang mga palpak na eksena nina Richard at Dingdong.

Siyempre, masaya ang cast sa pangunguna nina Richard, Dingdong at Vice kapag sinasabi ng entertainment press na aliw na aliw sila sa trailer ng Fantastica at siguradong sila na ang magta-topgrosser sa MMFF 2018!

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with