^

Pang Movies

Azenith babalik sa TV

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Azenith babalik sa TV

Sooner or later, mapapanood na rin ang former movie actress na si Azenith Briones. Marami na rin siyang nagawang pelikula bago siya nag-exit sa showbiz. 

 

Isa sa magagandang artista noong panahon niya si Azenith kung saan ang mga kasabayan niya ay sina Beth Bautista, Elizabeth Oropesa, Chanda Romero, Jean Sabu­rit, Hilda Coronel, Isabel Rivas, at iba pa na hindi ko na ma-recall ang mga name. 

Si Azenith ay naging leading lady ng mga handsome actors like Lito Lapid, Jess Lapid, Fernando Poe Jr., Ace Vergel, Mayor Erap Estrada at iba pa. 

Teka, speaking of Senator Lito, magi­ging abala na siya kapag malapit na ang eleksyon dahil tatakbo siya ulit na senador. So lay low muna si Lito sa series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN na humahakot ng mataas na rating.

Eh FPJ yan noh? Kesehodang naka-rest in peace na ang idolo ng masa, no prob dahil syempre nariyan ang butihing maybahay ni FPJ na si Inday Susan Roces.

Well, back to Azenith, pag-ibig ang dahilan kaya niya iniwan ang showbiz. 

Isang milyonaryo ang kanyang napangasawa kung saan may apat siyang anak.

Puro mga taga-La Salle, at mga degree holder na. 

Namatay ang asawa ni Azenith sa naganap na sunog sa Resorts World Manila. Hindi na siya muling nag asawa pa dahil masaya raw siya sa piling ng mga anak at abala rin siya sa kanyang business. Yun na!

Personal…

In behalf of PMPC (Philippine Movie Press Club), our sincere condolences to Leony Garcia, board member, and to her family, sa pagyao ng kanyang Ama na si Galileo Romero Sr. 

Nakaburol sa St. Peter Chapel, Quirino Highway, QC. Sa December 4 ang libing. Eternal Rest grant unto the Soul of Galileo, Oh Lord, May he rest in peace!

 

 

vuukle comment

AZENITH BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with