^

Pang Movies

Aktres ramdam ang inggit sa buhay may-asawa ng ex

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magkasama sa isang television series ang aktor at aktres na ex-lovers.

 

Happily married na ang aktor habang hindi pa natatagpuan ng aktres ang mhin na makakasama niya sa habambuhay dahil hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.

Nanghihinayang ang friends ng aktres dahil pinakawalan nito ang aktor na responsible at maganda ang ugali.

Naghiwalay ang dalawa dahil hindi natagalan ng aktor ang mataray at maramot na ugali ng aktres.

Noong may relasyon pa sila, na-feel ng aktor na unti-unti siya na inilalayo ng aktres sa kanyang pamilya nang mag-live in sila.

Eh sobrang close ang aktor sa kanyang mga magulang at kapatid. Noong una, inakala lang niya na matindi ang pagmamahal sa kanya ng aktres kaya gusto nito na masolo siya as in araw-araw silang magkasama.

Natuklasan niya ang the truth and nothing but nang umabot sa isang taon ang kanilang relasyon. Napatunayan ng aktor na likas na makasarili at mara­mot ang aktres kaya siya ang nakipaghiwalay.

Maligayang-maligaya na ngayon ang aktor sa piling ng kanyang asawa na artista rin.

Heart hindi mapintasan ang mga damit na may pinta

Wala pa akong naririnig na pintas sa collaboration ni Heart Evangelista at ni Cris Roque ng Kamiseta.

Mga papuri ang lahat ng mga nababasa at nari­rinig ko tungkol sa mga damit ng Kamiseta na mga painting ni Heart ang design kaya siya rin ang cele­brity endorser.

Hindi naman talaga matatawaran ang husay ni Heart bilang painter. Brilliant idea ni Cris na magkaroon sila ni Heart ng collaboration.

Kung nagagawa ni Heart na pinturahan ng mga bonggang design ang mga expensive Hermes bag, ang Kamiseta clothes pa kaya?

Fashion plate rin si Heart kaya perfect talaga ang partnership nila ng Kamiseta.

AiAi parang naglilihi

Sad naman ako sa nabasa ko na parang may tampo si AiAi de las Alas. Sinabi raw ni AiAi na dahil hindi na siya sing-init ng dati kaya iilan lang ang dumalaw sa kanya at nagpadala ng flowers ngayong may sakit siya.

Alam kaya ng marami na nasa ospital si AiAi? Hindi ko nabalitaan kundi ko pa nabasa, at baka iyon iba, hindi rin alam. Isa kasi sa pinaka-friendly si AiAi sa mga artistang kilala ko at hindi naman si­guro ganun klase ang friends niya. Sure ako na marami siyang kaibigan true sa kanya dahil sincere rin naman si AiAi makisama kaya marami siyang friends, tapos mabait din si Gerald ang asawa niya.

Siguro naging emotional lang siya nang nasabi iyon. Naku AiAi huwag na emotional noh o baka naglilihi? Hah hah sure ako di nila alam nasa hospital ka, pero kung know nila go sila dahil alam nila marami kang pagkain sa room at enjoy sila kainin mga food na nandun. Joke, basta love ka ng marami.

Sec. Berna hands on sa rehabilitasyon ng Palawan

Napakasipag talaga ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.

Pumunta siya sa El Nido, Palawan para personal na tingnan ang rehabilitasyon na ginagawa sa natu­rang isla.

Pagkatapos ng rehabilitation ng Boracay, ang El Nido naman ang isinunod ng pamahalaan.

In fairness, hindi na umaalma ang mga resort owner sa Palawan dahil nakita nila ang magandang epekto na ginawa ng pamahalaan sa Boracay.

Sa totoo lang, ang kakulangan talaga ng disiplina ng mga Pilipino ang dahilan kaya nasisira ang mga natural na kalikasan sa Pilipinas.

Mabuti na lang, may mga kagaya ni Secretary Berna na malaki ang malasakit sa kapaligiran at tourism industry ng bansa natin.

Kita n’yo naman, ang Boracay na uli ang favorite destination ng mga artista dahil bumalik sa dati ang kagandahan ng isla.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with