^

Pang Movies

Mikey edukasyon ang priority!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mikey edukasyon ang priority!

Ang galing naman ng naging advocacy ni Mikey Belmonte na mga Magandang Bukas Learning Center ng Damayan Foundation.

Ito iyong mga classroom na talagang abot-kamay ng mga magulang dahil malapit sa community nila.

Totoo naman na learning and education is the prime need upang umunlad ang buhay ng mga bata. Ang foundation ang pinaka-importante, kaya hindi kataka-taka na ito ang main advocacy ni Mikey.

Siyempre bata pa siya sa edad pero ang vision niya sa buhay ay malayo, kaya hindi kataka-taka na ito ang ibigay niya para sa distrito niya, edukasyon, katulong ang tita Joy Belmonte niya na suportado ang pangarap ng pamangkin na bigyan ng maunlad na buhay ang mga taga-district 2 ng Quezon City.

Mikey Belmonte is young, full of energy and vision to improve the lives of people under his love district 2, so support him and Joy Belmonte for Mayor of Quezon City, our beloved city.

Harlene at Romnick two years nang hiwalay bago pa maglabas ng statement!

Si Harlene Bautista at ang kanyang film company na Heavens Best Entertainment ang producer ng pelikulang Rainbow’s Sunset.

Noong October 2018, naglabas ng joint statement si Harlene at ang kanyang mister na si Romnick Sarmenta na hiwalay na sila.

Kahit nagkanya-kanya na sila ng landas, makikita pa rin ang name ni Romnick sa closing credits ng Rainbow’s Sunset dahil siya ang presidente ng isang kompanya na may koneksyon sa movie company ng estranged wife niya.

Noong first week ng November, lumitaw ang litrato ni Romnick na may magandang babae na kasama sa isang hotel sa Cubao. Ang babae umano ang bagong inspirasyon ni Romnick kaya marami ang nagulat dahil kahihiwalay pa lamang nila ni Harlene.

Pero may twist ang kuwento dahil isang malapit sa mag-asawa ang nag-reveal na two years nang hiwalay ang dalawa bago pa sila naglabas ng joint statement noong October kaya hindi “overnight” ang pagkakaroon ni Romnick ng girlfriend.

Mga matatanda sa home for the aged ni Bo Sanchez, alagang-alaga!

Naku Mama Salve napanood ko ang video ng Anawim ni Bo Sanchez na home for the aged na ipinakita sa presscon ng Front Row Cares concert.

Naiiyak ako sa background music na ginamit nila at kitang-kita mo ang ganda ng maintenance ng Anawim.

Pati iyung oldies na nakita ko sa video malilinis at parang alagang-alaga. Bongga ang Front Row ha may charity music festival sila sa December 18 na talagang lahat ng sikat na banda kasali at ang kikitain ay mapupunta sa charity nila tulad ng Anawim.

Ang galing, humanga ako sa advocacy nila at on how they choose their charities.

 Di nga ba ang dami nilang projects to support and maintain kaya tuluy-tuloy ang mga ginagawa nilang shows. Bongga talaga.

Lito laging buntot ni Coco

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung kasali si Lito Lapid sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil kasama siya nina Coco Martin at Maine Mendoza sa mga mall show.

Hindi ko alam ang sagot pero posible na may special participation si Lito sa filmfest movie nina Coco at Vic Sotto dahil mainstay siya ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Very close sa isa’t-isa sina Coco at Lito as in parang mag-ama ang turingan nila. Kita n’yo naman, isinasama pa ni Coco si Lito sa mga show ng TFC sa iba’t ibang bansa.

vuukle comment

MIKEY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with