^

Pang Movies

Aktor nanahimik sa pagdadamot ng aktres sa kanilang anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Tahimik lang ang nanay ng isang aktor, pero hindi pala niya nakikita ang kanyang apo na love child ng kanyang anak sa isang aktres na produkto ng isang artista-search show.

Hindi raw ipinapahiram ni aktres sa kanyang anak ang kanyang apo, kaya ang tagal na since the last time na nakita niya ang bata.

Pero tahimik lang ang nanay ni aktor tungkol doon.

Kahit daw kasi si aktor, tahimik lang tungkol sa bagay na ‘yon.

Ayaw raw kasi ni aktor na magkaroon pa ng issue sa kanila ng aktres.

Anthony nagpaliwanag sa pagpo-‘promote’ ng relasyon nila ni Sam

Ang Talk & Text PBA (Philippine Basketball Association) player na si Anthony Semerad kahapon sa isang coffee shop sa may Imperial Palace Suite, Quezon City.

Kagagaling lang daw niya sa Ateneo de Manila University dahil sa isang gym doon sila nagpa-practice ng basketball.

Marami kaming napag-usapan ni Anthony at isa na roon ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Sam Pinto.

Pinansin ko ang dalas ng pagpo-post niya ng tungkol sa kanilang dalawa ni Sam na para bang magka-love team silang dalawa at sobrang pino-“promote” niya ang kanilang relasyon.

Natawa si Anthony sa sinabi kong ‘yon at nagpaliwanag kung bakit noong una ay ganoon silang dalawa ng kanyang girlfriend.

Lately naman daw, hindi na sila masyadong nagpo-post ng tungkol sa relasyon nila.

Ipinaalam lang daw nila noong una na silang dalawa na ngayon.

May mga bagay nga pala kaming napag-usapan ni Anthony tungkol sa kanyang career as a basketball player ay may mga plano siya na very exciting.

Balak din ni Anthony na mu­ling magpaka-active sa modeling.

May mga offer din siya na mag-guest sa ilang television shows na aaskasuhin na raw niya ngayon.

Payag naman daw ang coach niya sa Talk & Text na tumanggap siya ng modeling at endorsement deals.

Pops sumabak na rin sa online show!

Nasa Dakak beach resort si Pops Fernandez nang maka-text ko siya noong isang araw.

Nandun daw siya para sa birthday event ni Chairman Jaloslos.

Ang assistant niyang si Yolly ang kasama roon ng singer (singer na lang dahil kumakanta pa rin naman siya kahit paano, pero hindi na puwedeng tawaging aktres dahil hindi na talaga siya umaarte pa).

Sabi ko kay Pops, “Akala ko pa naman kaya ka nasa Dakak dahil may ka-date ka?!”

“Ngek! I will so announce kapag nagka-love life na ako ng bongga. Hahaha!” reaction niya.

Samantala, napagtsikahan namin ang tungkol sa kanyang bagong online show, ang Pops-sibilities.Anything goes lang daw sa online show niyang ‘yon.

Wala raw script na sinusunod. Once a week or every other week maglalabas si Pops ng new episodes para sa online show na ‘yon na sobra niyang ine-enjoy.

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with