^

Pang Movies

Ex-wife ni Gab nanganak na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ex-wife ni Gab nanganak na!
Tricia Centenera

Kung kamakailan lamang ay nag-post si Gab Valenciano sa bagong estado ng kanyang puso ngayon sa piling ng kanyang bagong non-showbiz girlfriend na si Joann Santiago, bigla namang bumulaga ang panganganak ng kanyang ex-wife na si Tricia Centenera ng baby girl coutesy of her non-showbiz boyfriend na si Duane Santos.

Kahapon, November 22 ay isinilang ni Tricia ang first baby nila ni Duane na si Arabella `Arrow’ Centenera Santos.

Sina Gab at Tricia ay nagkahiwalay matapos ang halos isang taong pagsasama bilang mag-asawa pero hindi sila nagkaroon ng anak. Ang dating couple ay tatlong beses ikinasal, una sa Amerika na sinundan sa Tagaytay at sa Boracay pero nagkahiwalay sila the following year.

Parehong masaya ngayon ang dating mag-asawa sa kanilang respective new partners.

Dayanara excited sa kasal sa Marvel creator

Matapos mahiwalay sa kanyang dating boyfriend of four years na si Aga Muhlach at sa kanyang ex-husband na well-known Latin American singer-actor at record producer na si Marc Anthony (Marco Antonio Muniz in real life), ang 1993 Miss Universe-turned actress-dancer na si Dayanara Torres ay engaged na sa sa box office Marvel producer na si Louis D’Esposito na kamakailan lamang ay nag-propose na sa kanya.

Si Louis ay siyang producer ng mga Hollywood box office hit marvel movies tulad ng Iron Man, Captain America, Ant-Man, Avengers: Infinity War at iba pa.

Nanatili sa loob ng mahigit apat na taon sa Pilipinas si Yari bago ito nag-desisyong bumalik ng Puerto Rico para doon naman ipagpatuloy ang kanyang career bilang singer-actress-dancer.

Personal…

Nagulantang ang industriya sa maagang pagyao ng panganay na anak ng mag-asawang Tirso Cruz III (Pip) at Lyn Cruz, ang dating actor na si TJ Cruz (Tristan Jedidah Y Cruz sa tunay na buhay) sa murang edad na 37. Nakuha pang mag-birthday ni TJ last October 22, isang araw bago siya sumakabilang-buhay.

Si TJ ay may sakit na lymphatic cancer na siyang kumitil ng kanyang buhay.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni TJ sa Tanguile Chapel, 2nd floor ng Funeraria Paz sa Manila Memorial Park in Sucat, Parañaque.

Ang aming taos-pusong pakikiramay kina Pip at Lyn.

vuukle comment

TRICIA CENTENERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with