^

Pang Movies

Sylvia ayaw makisawsaw kina Arjo at Maine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sylvia ayaw makisawsaw kina  Arjo at Maine
Sylvia Sanchez

Kahapon sa episode ng Magandang Buhay ay guest si Sylvia Sanchez at siyempre, naitanong sa kanya ang tungkol sa pagkaka-link ng anak niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

“Nakikita ko siyempre ‘yung mga retrato, nababalitaan ko, mas nauuna ‘yung social media sa akin. Tinatanong ko si Arjo, nginingitian lang ako. Walang usapang ganun sa bahay,” sagot ni Sylvia.

Ayon pa sa magaling na aktres, inirerespeto raw niya ang anak kung ano at ayaw na sabihin sa kanila.

“Basta ako kung ano ‘yung gusto niya, kung ano ‘yung ayaw niyang sabihin sa amin, sekreto niya, respeto, alam mo ‘yun? So, kung anuman ngayon ang ginagawa ng anak ko ngayon, buhay niya ‘yan,” she said.

When asked kung sa mga ngiti ba ni Arjo ay nararamdaman niyang masaya ito, ani Ibyang “masaya ang anak ko at ‘yun ang importante sa akin bilang ina.”

Samantala, up to now ay wala pang paha­yag mismo sina Arjo at Maine sa kung ano ba talaga ang tunay na relasyon nilang dalawa.

JM hindi na nakukuryente kay Jessy!

“Oo” ang sagot ni JM de Guzman nang tanungin siya ni Vice Ganda kung okay lang ba sa kanya na makatrabaho ulit ang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday kung saan guest si JM ito ang tinanong ni Vice Ganda at may gimik pang parang nakasalang ang aktor sa isang lie detector test.

Kapag nagsinungaling si JM ay makukuryente siya and in fairness, nang sagutin niya ang tanong about Jessy ay hindi siya nakuryente kaya sey ni Vice “so, proud of you.”

Tila naka-move-on na nga nang bonggang bongga ang aktor sa break-up nila ni Jessy at kung sabagay naman ay matagal na ‘yun at alam nating lahat na masaya na ang aktres sa relasyon nito with Luis Manzano.

Si JM ay nali-link naman kay Barbie Imperial na kapareha niya sa Araw Gabi at mukhang may something na nga sa dalawa, sa totoo lang.

Bagay naman sila, in fairness.

Janno hindi tinularan sina Sharon, Juday at Julia!

Nabura na ni Janno Gibbs ang Instagram post niya kung saan ay ipinahayag niya ang pagkalungkot sa hindi niya pagkakasama sa ABS-CBN Christmas Station ID na Family is Love na ini-launch last Sunday sa ASAP Natin ‘To.

Nakita pa namin ang post ni Janno earlier kahapon pero habang sinusulat namin ito ay burado na ang nasabing post.

“Throwback to Sept 12 this year when i signed with @starmusicph Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala e,” ang post ni Janno sa Instagram at nilagyan ng hashtags na “#wagnyokohanapinsastationid” at “#lakipanglogosalikod”

Napakaraming nag-comment sa comments section at marami sa kanila ang nagpayo na hindi na siya dapat nag-post ng ganito. Marahil ay pinakinggan ng singer ang mga payong ito kaya binura na niya ang hinaing post.

May nagkomento rin na hindi lang siya ang wala at pati nga sina Sharon Cuneta, Julia Montes, Judy Ann Santos ay wala rin kaya medyo lumuwag na siguro ang kanyang loob dahil marami naman silang hindi nakasama at mga matatagal na ngang Kapamilya ang mga ito not to mention the fact na parehong icons pa sina Juday at Shawie.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with