^

Pang Movies

Dingdong, Marian, at Zia makulay ang pagtakbo!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong, Marian, at Zia makulay ang pagtakbo!

Congratulations sa very successful na The Color Run Hero Tour 2018, organized ni Dingdong Dantes at ng kanyang Yes Pinoy Foundation na ginanap kahapon ng madaling-araw sa West McKinley, Taguig City, ang #Happiest5K on the planet, sa pakikipagtulungan ng GMA Network. Na­nguna ang Dantes family dahil kasama niya ang wifey na si Marian Rivera at ang anak nilang si Zia. Marami ring sumamang Kapuso stars kahit nga maagang-maaga ang color run.

Post ni Marian sa kanyang Instagram: “Maraming salamat to all the runners at sa lahat ng sumuporta to make The Color Run hero Tour 2018 possible. Congratulations Mahal sa success ng event na ito! All proceeds of the event will be donated to support the I am Super campaign of Yes Pinoy Foundation. Marami na namang mga bata tayong matutulungan. Muli, maraming salamat po.”

Bilib kami talaga kay Marian, dahil last Saturday, maaga pa ay nasa launch ng Prime Mom Club na nag-participate sa Prime Pinasarap Moments event sa Prime Hotel. Nagkaroon siya ng fun-filled pasty making experience with Chef Mira at siya man ay nagturo din ng paggawa ng Prime Layered Fruit Cake at pagluluto ng Prime Beef Steak Salpicao na gamit niya ang mga Mega Prime products like fruit cocktail at whole mushrooms. Ipinakita rin ang TVC na ginawa ng Mega Prime na very soon ay mapapanood na sa television.

At kahit nga nag-join na siya ng Color Run, tumuloy pa rin si Marian sa Sunday PinaSaya at masayang nakipagkulitan dahil big promo ng action-drama series na Cain at Abel.

Cain at Abel huhusgahan na!

Yes, huhusgahan na ngayong Lunes ng gabi ang pagsisimula ng most-anticipated Kapuso primetime series na Cain at Abel na tampok ang dalawang hari ng GMA Network, si Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo.

Maraming nagtatanong kung sino ba ang magiging Cain at sino ang magiging Abel sa kanilang dalawa dahil ang story nito ay tungkol sa magkapatid na Daniel (Dingdong) at Miguel/Elias (Dennis).  Ayon sa nakausap namin, ginamit lamang ang title ng serye mula sa dalawang characters sa Holy Bible. Kung ang magkapatid na Cain at Abel ay nagkaroon ng kumpe­tensiya noon, ganito rin ang magkapatid na Daniel at Miguel, iyon nga lamang hindi sila magkakilalang magkapatid dahil maliliit pa silang bata nang magkahiwalay at lumaki na magkaiba ang pamilya.

Mamayang gabi na, pagkatapos ng 24 Oras.

Christmas station ID ng Kapuso, hindi nagpakabog!

Goosebumps ang mararamdaman mo kung napanood mo sa Sunday Pinasaya unang pagpapalabas ng 2018 GMA Christmas Station ID, titled Ipadama ang Puso ng Pasko. Totoo ang pagpapadama dahil nagsimula ito sa Kapuso Foundation ni Mel Tiangco sa pagtulong sa mga nangangailangan. Lahat ng Kapuso stars ay kasali, inawit ang theme song na Puso ng Pasko, hindi nila nalimutang isama si Aicelle Santos na nasa Sutherland, United Kingdom, si Rachelle Ann Go sa London, si Atom Araullo na nasa Spain at sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas na pinuntahan ng mga Kapuso stars.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with