^

Pang Movies

Eddie matikas pa rin kahit halos 90 na!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Eddie matikas pa rin kahit halos 90 na!
Eddie

Kahit isang taon na lang bago mag-90 (isinilang siya noong May 1929), aktibung-aktibo pa rin sa showbiz si Eddie Garcia.

 

Right now, napapanood siya gabi-gabi sa high-rating series na FPJ’s Ang Probinsyano, which, of course, has Coco Martin playing the title role. And, as usual, kontrabida ang kanyang role.

“But, in real life, mabait siya,” anang karamihan sa mga katrabaho niya. “At napaka-professional din niya.”

Hindi rin maipagkakailang matikas pa rin si Eddie. Nonetheless, he was known as a playboy in his younger days. Despite, too, his status as an actor.

“I can attest to that,” ani Gina Pareño na leading lady ni Eddie sa pelikulang Hintayan Ng Langit, directed by Dan Villegas. “As is common knowledge, pareho kaming nagtrabaho sa Sampaguita Pictures.”

In his younger years, hindi lamang sa pag-arte namayagpag si Eddie dahil nagdidirek din siya.

Ganun pa man, tumatanggap pa rin siya ng supporting roles lalo’t kapag challenging ang mga ito.

No wonder, si Eddie ang tanging showbiz personality na cited in the FAMAS Hall of Fame, bilang best actor, best supporting actor at best director.

Aktres 16 pa lang hindi na virgin

Ten years ago, isang pretty newcomer ang na-interview sa isang kilalang talk show. Ang tanong ng nag-interview, “virgin ka pa, iha?”

Mas pinili ng aktres na huwag sumagot at ngumiti lang. And obviously the talk show host understood. She was only, after all, 16 turning 17 then.

Now, 27 years old, nang muling interbyuhin ng host ang aktres na sikat na ngayon sa kanyang programang may ibang format na, at tinanong niya ang kaparehong tanong.

Ang sagot niya uli: simply a shy smile.

Clue: In love na naman siya. Dating na-link ang aktres sa dati niyang co-star.

Alice umaasang makakasama ang JoshLia sa charity event

For the second year on December 9, mu­ling mangangalap ng funds si Alice Dixson para sa Kalipay Negrense Foundation, via her charity bowl events, na magaganap sa E Lanes Bowling Center Greenhills, 2:00 to 5:00pm.

Umaasa si Alice na tulad nung nakaraang taon, susuportahan din siya ng ilang showbiz personalities, mga bowling enthusiast man sila o hindi.

Matindi ang wish ni Alice, na ang mga young star na kasama niya sa kanyang ongoing top series, Ngayon At Kailanman, particularly ang love team nina Joshua Garcia at Julia Barretto, Jameson Blake at Krystal Fulgar, will grace the event. Ganundin sina Iza Calzado, Erika Padilla, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, Rio Locsin, plus Joao Constancia ng Boyband PH.

Last year, sina Edu Manzano, Ara Mina, Tom Rodriguez, Donita Rose, Teresa Loyzaga at Ynes Veneracion ang nakisaya sa paglalaro ng bowling.

Dahil sa nabanggit na event, nakalikom si Alice ang P250,000 na malaki ang naitulong sa pag-provide ng shelter, health care at lalo na pagkain, plus counseling sa mga batang Negrense na mahihirap.

From Alice pa rin : To be one of the tournament bowler, one need to, at least, donate P2,500.

Those interested may contact Sharon at 09175330203.

Where her love life is concerned, tikom ang bibig ni Alice, bagama’t kalat somehow ang balitang she might marry again. Well, this time sa isang foreign hotel executive.

Katatapos lang gawin ni Alice ang pelikula kasama si Aga Muhlach na kinunan sa Greenland (Denmark).

Wala pang tiyak na title ang pelikulang idinirek ni Ronnie Velasco.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with