^

Pang Movies

Dennis hindi na nahihiya sa ‘love of his life’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis hindi na nahihiya sa �love of his life�
Dennis Trillo

Tuwang-tuwa ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na open na open na sila sa kanilang relasyon. Bukod kasi na madalas silang mag-post ng photos na magkasama sila here and abroad, nakikita na rin ang mga terms of endearment na ginagamit nila sa isa’t isa.

Last weekend ay magkasama silang nanood ng pinag-uusapan na pelikulang Bohemian Rhapsody na parang may concert daw sa loob ng sinehan dahil sinasabayan ng mga manonood ang mga kanta ng Queen.

Post ni Dennis: “Proud QUEEN Fan since grade 2. Kasama ang ­aking love of my life.”

Ang tamis daw ng tawag ni Dennis kay Jennylyn na “love of my life.” Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at mukhang sa kasalan na rin ito magtutuloy.

Sa ngayon ay busy si Dennis sa bago niyang action-drama series na Cain at Abel with Dingdong Dantes na mapapanood na simula sa Monday, kapalit ng Victor Magtanggol.

Early 2019 naman daw ang bagong romantic-comedy series na pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Jennylyn for the first time. Totoo kayang papasok din dito si Derek Ramsay?

Janine malungkot sa hiwalayan nila ni Alden

May naramdamang lungkot si Janine Gutierrez ngayong hanggang sa Friday na lamang mapapanood ang kanilang action-drama-series na Victor Magtanggol. She hopes daw hindi niya nabigo ang mga boss ng GMA Network sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nang kunin siya bilang si Gwen, ang leading lady ni Alden Richards sa serye.

Ano ang eksena o mga nagawa ni Alden sa kanya na hindi niya malilimutan?

“Marami po akong memorable moments sa pagsasama namin ni Alden sa serye. Pero ang hindi ko malilimutan noong kami lamang tatlo, with Tita Coney (Reyes) ang nag-taping sa Japan. Minsan kumain kami sa labas na nag-order ako ng shrimp pero hindi ako nasarapan. Tanong ni Alden, ‘Ano Ja, hindi masarap?’ Inayos niya yung kinakain ko, tapos tinimplahan niya ng lemon, nang tikman ko ulit masarap na.

“Iyong mga ganoong maliliit na moments naaalaala ko sa kanya. Very sensitive siya sa mga tao. Alam niya kung masaya ka o hindi ka okey. Iyon ang napapansin ko sa kanya, maasikaso siya sa lahat ng tao.”

Ayaw ikuwento ni Janine kung ano ang mang­yayari sa character niya. Nagpasalamat si Janine sa lahat ng mga sumubaybay sa kanilang serye lalo na sa mga fans niya na every night ay kasali sa Twitter party.

May time na ngayong magbakasyon si Janine dahil tapos na ang serye nila.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with