^

Pang Movies

‘Pata’ ni Janice mas napansin kesa sa itinitinda niyang cookies

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
�Pata� ni Janice mas napansin kesa sa itinitinda niyang cookies
Janice de Belen

Nag-imbita si Janice de Belen sa pamamagitan ng kanyang Instagram sa isang Celebrity Bazaar noong November 2 to 4, sa Crossroad Mall, Tandang Sora, Quezon City.

“Here at the Crossroads Mall Bazaar in Tandang Sora Ave!!! See you!,” paanyaya niya. Nasa harap ni Ja­nice ang mga itininda niyang cookies na siya ang nag-bake, ang Cranberry Oatmeal w/Walnuts, Cheese cupcakes at Choco Chips cookies.

Pero imbes na ang mga cookies ni Janice ang mapansin, isang netizen ang nag-comment ng “Braso ba yan o pata...” na tumutukoy sa braso ng aktres. Madali naman siyang sinagot ni Janice ng “ano ba ang gusto mo sa dalawa?”

Wala nang ibang isinagot pa si Janice at ang fans na niya ang kumuyog sa nasabing netizen.

Dingdong at Marian naglambingan sa bukid

May pahabol na pakilig last weekend ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang pareho silang mag-post ng lambingan nila sa kabukiran, nang mag-stay sila sa favorite place nila sa Tagaytay, ang Sonya’s Garden. It seems ang mag-asawa lamang ang nag-weekend doon dahil walang post na kasama nila ang anak nilang si Ate Zia.

Anyways, balik-trabaho na si Dingdong ngayong Monday, sa taping ng action-drama series nila ni Dennis Trillo, ang Cain at Abel. Pero nanawagan din si Dingdong sa fans na gustong makisaya at makitakbo sa #Happiest5k on the Planet sa darating na November 18.

Time ito na maka-bond ng mga fans ang kanilang favorite Kapuso stars at Barangay LS 97.1 DJs sa Color Run Hero Tour 2018 na gaganapin sa Filinvest City Events Ground, Alabang. Kahit si Marian, makikiisa raw siya rito. Ang proceeds kasi ng Color Run Hero Tour ay mapupunta sa I Am Super campaign ng Yes Pinoy Foundation chaired by Dingdong.

vuukle comment

JANICE DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with