^

Pang Movies

Aktres nanahimik pagbabu sa ‘Pinas!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga tinanggihan na television assignment ang isang aktres dahil decided siya na mag-babu sa Pilipinas at ituloy ang plano na pag-aaral sa ibang bansa.

Bukod sa balak na ipagpatuloy ang pag-aaral, may ibang iniisip ang aktres para sa sarili pero her lips are sealed dahil ayaw niya na ma-preempt ang kanyang mga project.

Sana nga, matupad ang isang malaking project ng aktres para hindi mabale-wala ang pasya niya na talikuran muna ang showbiz.

Ang feeling naman ng ibang mga kaibigan ng aktres, may mas malalim na dahilan ang kanyang tahimik na pag-alis sa Pilipinas at pagpunta sa abroad. Kung anuman ang true reason, i-wish na lang natin ng good luck ang aktres dahil mabait naman siya kaya karapatan niya na lumigaya.

Alfred pinaghahandaan na ang pagdating ng bagong anak

Belated happy birthday kay Alfred Vargas na nagdiwang ng kaarawan noong October 24.

Special guests sa 39th birthday celebration ni Alfred si former House Speaker Sonny Belmonte, ang anak nito na si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na future mayor ng lungsod, si Se­nate President Tito Sotto at ang anak nito na si Gian na kakandidato na bise-alkalde ni Mama Joy sa midterm elections sa May 2019.

Siyempre, hindi nakalimot bumati kay Alfred ang kanyang mga supporter mula sa District V ng Quezon City, mga kaibigan at ang pamilya niya.

Re-electionist si Alfred bilang House Representative ng District V ng Quezon City. Ang magkaroon siya ng perfect health at muling mahalal na congressman sa 2019 ang birthday prayers ko para kay Alfred na isa sa mga pinaka­matino, responsable, matulungin at mabait sa mga alaga ko.

Pinaghahandaan na ni Alfred ang pa­nga­ngampanya niya sa susunod na taon pero mas excited siya sa nalalapit na pagdating sa January 2019 ng baby boy nila ni Yasmine. Ilang buwan na lang ang ipaghihintay ng mag dyowa dahil malapit na nilang makita si Alfredo Cristiano IV.

Pia madamot mag-share ng lovelife

Tikom ang bibig ni Pia Wurtzbach kapag tinatanong siya tungkol sa lovelife niya kaya walang masyadong alam ang public tungkol sa personal life ng former Miss Universe.

Sinabi naman ni Jonas Gaffud na malihim na tao si Pia dahil hindi ito basta nagkukuwento tungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na kung ang lovelife niya ang topic.

Agree naman ako sa stand ni Pia dahil ang pagiging misteryosa niya ang isa sa mga dahilan kaya gustung-gusto siya ng mga tao.

Hate ng fans ang mga celebrity na nakabuyangyang sa lahat ang kuwento ng buhay at parang carinderia na bukas sa lahat ng oras.

Iba si Pia dahil ipina-flash lang niya ang kanyang million dollar smile kapag tinanong tungkol sa mga intriga pero never na pumatol sa mga kontrobersya, tulad ng nangyari nang interbyuhin siya ng mga reporter.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with