^

Pang Movies

Andrea at Francine mas titindi ang awayan!

Pang-masa
Andrea at Francine mas titindi ang awayan!
Andrea Brillantes at Francine Diaz

MANILA, Philippines — Mas maraming Pilipino ang nag-abang at tumutok sa unang pagtatagpo ng mga karakter nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa Kadenang Ginto, kaya naman nagtala ang serye ng all-time high national TV rating noong Lunes.

Nagkamit nga ang palabas ng national TV rating na 18.2%, o 6.8 na puntos ayon sa datos ng Kantar Media.

Nagbigay na ng patikim ang serye sa bangayang paparating sa pagitan nina Marga (Andrea) at Cassie (Francine) matapos ang kanilang pagtutuos sa isang quiz bee, kung saan hinirang na panalo ang huli.

Pero mas malaking kaguluhan pa ang tiyak na gigimbal sa hapon ngayong sa iisang paaralan na lang mag-aaral ang dalawa. Magiging mitsa rin ito ng mas malalim na hidwaan dahil hindi makakapagyag si Daniela na mapalapit ang anak niya kay Cassie, at pilit na makikipagbangayan kay Romina (Beauty Gonzales) at Robert (Albert Martinez) na lalong gugulo sa kanilang pamilya.

Ano nga kayang unos ang dadalhin ng salpukan nina Cassie at Marga?

Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with