^

Pang Movies

Susan naaliw sa mag-iinang Carmina, Mavy at Cassy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Susan naaliw sa mag-iinang Carmina, Mavy at Cassy
Susan Roces

Pinanood pala ni Ms. Susan Roces ang pilot episode ng Sarap Di Ba? at naaliw siya sa mag-iinang Carmina Villarroel at ang kambal na Mavy at Cassy. Bagay na bagay daw sa kanila ang show at maraming millennials na makaka-relate sa kambal.

Kaya naman tuwang-tuwa rin si Direk Louie Ignacio na siya ring nagdirek ng Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid for six years.

Kyline sunud-sunod ang project

At 16, feeling very blessed na si Kyline Alcantara sa sunud-sunod na projets, endorsements at ang bonus lagi, ang mga award na natatanggap niya. Wala pang one year na pumasok si Kyline sa GMA Network at pumirma ng exclusive contract sa GMA Artist Center, next ay pumirma na rin siya ng recording contract sa GMA Records at noong 16th birthday niya nagkaroon siya ng birthday concert sa SM Skydome. First teleserye niya sa GMA ang Kambal Karibal na gumanap siyang kontrabida ni Bianca Umali na nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress trophy sa katatapos na 32nd PMPC Star Awards for TV at sa bagong Asian Academy Creative Awards (AACA).

Hindi na matandaan ni Kyline kung pang-ilang endorsements na niya ang Simply G (Gorgeous) Hair & Skin Care na siya ang kauna-unahang ini-launch na celebrity endorser.

Kung hindi kami nagkakamali, natuloy na kahapon, ang story conference ng second teleserye niya sa GMA, ang Kidnap na makakasama niya ang isa pang award-winning teen star na si Therese Malvar. Sabi ay ipalalabas ito sa afternoon prime block ng GMA-7 na ididirek ni Mark Reyes.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with