^

Pang Movies

Matthias, ayaw matanong sa ginawang kabadingan

Ruel Mendoza - Pang-masa
Matthias, ayaw matanong sa ginawang kabadingan
Matthias Rhoads

MANILA, Philippines — Mabilis na nawala sa media conference ng Asawa Ko, Karibal Ko ang Kapuso hunk na si Matthias Rhoads. Marami pa naman ang gustong ma-interview siya tungkol sa naging kissing scene nila ni Jason Abalos sa naturang teleserye.

Isang transgender kasi si Jason sa story at magkakaroon sila ng relasyon ni Matthias.

Sa Q&A portion ng media conference ay tinanong na si Matthias ng kung anu-ano tungkol sa kanyang role. Kasama na roon kung in real life ay papayag ba siyang makarelasyon ang isang transgender.

Laki sa Amerika si Matthias at malawak ang pag-iisip nito tungkol sa iba’t ibang klaseng relasyon. Kung sino man sa cast ang nakakaintindi sa mga transgenders, si Matthias iyon dahil tumira at nagtrabaho ito sa New York kunsaan nagkalat ang mga transgenders.

Pero mukhang may ibang dahilan kung bakit biglang nawala si Matthias.

From a reliable source, pinili na lang daw ni Matthias na ‘di siya ma-interview para hindi naungkat ang issue na iyon.

Albie proud sa gf na beauty queen

Sobrang proud si Albie Casiño sa kanyang beauty queen girlfriend na si Michelle Arceo.

Si Michelle ang nanalong Gandang Filipina sa programang Wowowin.

Inamin ng aktor na “forever” na raw niya si Michelle na nakarelasyon niya for three years na.

Magaling daw kasing mag-alaga si Michelle at very responsible. Ngayon lang daw kasi na makarelasyon ni Albie ang isang babae na mature na ang pag-iisip.

Kaya naman daw ang lahat ng gawin ni Michelle ay suportado niya. Hindi raw niya pipigilan ang girlfriend sa mga gusto nitong ma-achieve.

Channing tatum nakikipag-date na kay Jessie J

Pagkatapos ng anim na buwan ay naka-move on na ang Magic Mike actor na si Channing Tatum sa pakikipaghiwalay nito sa ex-wife na si Jenna Dewan.

Namataan kasi ang 38-year old actor na kasama ang singer na si Jessie J sa dalawang magkaibang lugar.

Ayon sa source ng Us Weekly, nanood si Channing ng concert ni Jessie J sa Salt Lake City, Utah at sa Seattle, Washington.

Unang nagkakilala sina Channing at Jessie J sa MTV Movie Awards noong 2015 pa. Si Jessie ang isa sa presentor ng category kunsaan nanalo si Channing as Best Comedic Performance sa pelikulang Logan Lucky.                                

vuukle comment

MATTHIAS RHOADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with