^

Pang Movies

Alex naglalamyerda sa Amsterdam!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Alex naglalamyerda sa Amsterdam!
Alessandra de Rossi

Kahapon ay kapalitan ko ng text message ang nanay ni Alessandra de Rossi na based sa Lecce, Italy, si Mommy Nenita.

Si Mommy Nenita ang nagkuwento sa akin na nasa Amsterdam, The Netherlands na si Alessandra at ka-bonding na ang mga kapatid na sina Maggie at Isabel.

Sa Amsterdam based si Maggie, kaya dinalaw siya roon ni Alex at pinapunta rin si Isabel para super bonding sila.

Bale galing ng Iceland si Alessandra kung saan sila nag-shooting ni Paolo Contis ng isang pelikula.

Maglilibot daw sa Amsterdam ang magkakapatid at si Assunta de Rossi na nga lang ang kulang sa kanila (hindi na ito sumama dahil naglilipat pa lang sila ng bahay ng mister na si Jules Ledesma).

Si Mommy Nenita naman, ayaw masyadong mag-travel at aalis din daw kasi siya ng Italy sa October 25 at nasa Pilipinas na ng October 26 at sa December ay susunod naman daw ang mister niyang si Luigi.

“Sana makasalubong mo sina Alex,” sey ni Mommy Nenita nang malamang papunta rin ako ng Amsterdam.

Pops, Martin at mga anak, nagbo-bonding sa Amerika

Nasa Los Angeles, California si Robin Nievera na panganay nina Pops Fernandez at Martin Nievera dahil sa Wish Bus.

Nandoon din si Pops kasama ang anak na si Ram Nievera.

Si Martin naman, kadarating lang doon dahil sa concert series niya.

Pinost ni Pops ‘yung video kung saan sinundo silang dalawa ni Ram ng ex-husband niya kasama ang bunsong anak nito na si Santino.

In fairness, talagang super friends sina Pops at Martin kahit pa nga nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Sabi ni Pops, naki-bonding sila ni Ram kina Martin at Santino.

In fairness, love na love rin ni Pops ang bunso ni Martin.

The first time nga na nakita ni Pops si Santino, naiyak pa siya.

Anyway, ang friendship na namamagitan sa ex-couple ang bagay na kinabibiliban sa kanila ng mga fan na hanggang ngayon at nakasuporta pa rin sa kanila.

Oo nga pala, marami ang nagre-request sa ex-couple na sana ay mag-concert uli sila na magkasama.  

Ken walang kapaguran sa promo

No doubt na mataas ang ratings ng My Special Tatay na pinagbibidahan ni Ken Chan sa afternoon slot ng GMA 7.

Dahil nga maraming nanonood ng My Special Tatay kaya naman madalas na ma-request sa Kapuso network na mag-mall show ang cast ng nasabing afternoon series.

This Sunday, 5:00PM, pupunta si Ken kasama ang My Special Tatay co-stars niyang sina Arra San Agustin, Jillian Ward (na dalaga na ang dating), Rita Daniela at iba pa sa Robinsons Starmalls sa Pampanga.

Sabi ni Ken, very thankful sila sa magandang feedback sa My Special Tatay, kaya naman kapag may mga ganoong event at talagang naglalaan daw siya ng oras.

“Saka nagkakaroon din kami ng chance na makausap ‘yung avid viewers ng show namin at personal naming nalalaman sa kanila kung ano ‘yung nagugustuhan nila sa show para mas nai-improve pa po namin ‘yung show,” sey ni Ken.

May ibang mga artista naman na tamad nang mag-promote kapag ongoing na ang kanilang show, kaya naman bibilib ka kay Ken at sa kanyang mga kasamahan.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with