^

Pang Movies

Magka-loveteam nagkagaanan na ng loob!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi pala nagkabalikan ang isang young love team na nag-break a few months ago, ‘yun ay kahit nagku-comment na uli sa social media account ng aktres ang aktor na noong bagong break sila ay hindi nito ginawa.

 

Sweet on cam ang magka-love team at tuloy ang tambalan nila at may proyekto pa ngang magkasama sila. Pero ‘pag wala na sila sa harap ng camera, ibang usapan na. Hindi na sweet ang magka-love team at nag-uusap at nagtatabi lang ‘pag kinakailangan.

Hindi nakatulong para magkabalikan ang magka-love team ang pagpasok sa buhay ng aktres ng isang aktor na kasama pa naman nila sa network. Nang malaman ng aktor na may problema sa magka-love team, nagparamdam siya sa aktres hanggang sa tuluyang niligawan. Ang balita pa nga namin, may Mutual Understanding na ang dalawa at alam ito ng ka-love team ng aktres at ex-BF nito.

Jennylyn at anak ni Dennis madalas mag-bonding

May nakakuha ng picture nina Jennylyn Mercado at Calix Ho, anak ni Dennis Trillo kay Carlene Aguilar-Ocampo na magkasama. Silang dalawa lang at parang birthday treat ni Jennylyn sa future stepson ang paglabas nila. Nag-birthday kasi si Calix kamakailan at wala si Jennylyn sa birthday treat sa kanya ni Dennis.

Hindi ‘yun ang first time na nakita si Jennylyn kasama si Calix dahil madalas silang lumabas kasama si Dennis at si Jazz na anak niya. Sa isang judo competition nga ni Calix, present si Jennylyn at magkasama sila ni Dennis.

Ganu’n din naman si Dennis kay Jazz, madalas din silang magkasama sa school activities ng anak ng aktres.

Speaking of Jennylyn, siya ang first Filipina ambassador ng Max Factor na isang global cosmetic brand. Pumirma na ng kontrata si Jennylyn at hintayin ang launching niya.

Maureen gusto agad patalsikin sa Eat Bulaga

Second day na kahapon ni Maureen Wroblewitz sa Eat Bulaga at tuloy pa rin ang reklamo ng mga hindi natuwa sa pagkadagdag ni Maureen sa show. Grabe ang pamba-bash sa dalaga at may nag-demand pa na ‘wag na siyang pabalikin at alisin agad.

May mga nagreklamong na-bored sila sa first day ni Maureen sa EB, pero sa second day, relax na siya at nakasabay na kay Ryzza Mae Dizon.

Pati sa sariling IG ni Maureen, sumugod ang bashers at may nagsabi pa sa kanya na hindi para sa kanya ang EB at tinawag pa siyang flirt. Walang kasamang guy sina Maureen at Ryzza sa segment nila, sino kaya ang nakita ng basher na pinag-flirtan ni Maureen?

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with