^

Pang Movies

Sound stages na mala-Universal Studios ng ABS-CBN, bubuksan na rin

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, parang nainggit ako sa na-experience n’yo na happiness and fun sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma Mall.

Sayang, wala ako nang mag-imbita si Sir Kane Choa para sa media launch ng lugar na ‘yon.

Pero alam n’yo, si Jeron Teng, mae-experience rin niya na makapunta sa nasabing lugar dahil doon ang venue ng shoot niya para sa lifestyle website ng ABS-CBN.

Doon kasi ang venue ng Maccrush Mondate FB Live ng nasabing website ng Kapamilya network.

Sa laki ng lugar na ‘yon, iba’t ibang challenges ang ipapagawa nila kay Jeron, na tiyak ngang ikae-enjoy ng PBA Alaska Team player, huh!

Anyway, Ateng Salve, kailangan pumunta rin tayo sa ABS-CBN Studio Experience sa pagbalik ko this Friday dahil gusto ko rin makita ‘yung 3D images ng iba’t ibang ABS-CBN stars na parte raw ng nasabing lugar.

Ang bongga nga ng Kapamilya network dahil may ganoon na rin sila ngayon, and soon nga, magsisimula na raw nilang gamitin ang sound stages nila sa may Bulacan kung saan ay may backlot tour din daw na katulad sa Universal Studios, huh!

Top 8 ng The Clash parang celebrity na ang status

Mukhang nalalapit na talaga ang grand finals ng The Clash, ang singing competition song na iniho-host ni Regine Velasquez dahil kahapon nga ay napili na ang h­­u­ling pasok sa Top 8.

Sabi ng judges na sina Lani Misalucha, AiAi delas Alas at Christian Bautista, habang papalapit sila sa finals, lalo raw silang nahihirapan sa pagpili!

Nakakatuwa nga pala na ‘yung pumasok sa Top 8 ay parang mga celebrity na talaga dahil habang nagtatagal ay lalong dumarami ang kanilang supporters.

May kanya-kanyang hukbo na nga rin ng mga fan ang Top 8 at talagang mga celebrity na ang dating nila dahil sa lakas ng The Clash.

Trailer ng pelikula nina Sanya at Derrick, tinutukan

Ang bongga ng Regal Entertainment dahil inabangan kagabi ang trailer launch ng pelikula nilang Wild & Free starring Sanya Lopez and Derrick Monasterio.

Sa mga posting nga ng supervising producer nilang si Manny Valera, aba, ang sexy pareho nina Sanya at Derrick sa mga picture na kuha sa shooting ng nasabing pelikula, huh!

Wild nga ang dating ng dalawa.

Ang sexy nga ni Sanya sa two-piece niya at nagmumura naman ang abs ni Derrick sa kanyang pa-shirtless.

Ako, wish ko na kumita ang pelikulang ito dahil mukhang maganda naman!

Karla walang sawa sa pagluluto

Very proud si Karla Estrada sa galing niyang magluto.

In fairness, marami ang pumupuri sa sarap ng mga putahe ni Karla na paborito niyang ipatikim sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Actually, pati ang mga anak ni Karla, type na type na nasa bahay lang kapag weekend dahil pala­ging nagluluto para sa kanila ang isa sa hosts ng Magandang Buhay.

Sa yaman ngayon ni Karla, puwede siyang magbuhay donya na lang at iasa sa mga kasambahay ang pagluluto, pero alam daw niya na enjoy nga ang kanyang mga anak, lalo na si Daniel Padilla, sa mga iniluluto niya, kaya hinding-hindi raw siya magsasawang gawin ‘yon.

Kapag may request ngang putahe ang kanyang mga anak, kaagad itong niluluto ni Karla.

Kahit busy rin siya sa kanyang showbiz career, priority palagi ni Karla ang maipagluto ang kanyang pamilya!

vuukle comment

ABS-CBN STUDIO EXPERIENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with