^

Pang Movies

Heart ibinandera ang kopya sa Harper’s Bazaar

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart ibinandera ang kopya sa Harper�s Bazaar
Heart Evangelista

Bata pa lang pangarap na

Ipinagmalaki ni Heart Evangelista ang kopya ng Harper’s Bazaar magazine US edition kung saan me­ron siyang na-publish na fea­ture. Eh, childhood dream na pala niyang ma­ging bahagi ng mag kaya nagpasalamat siya sa love niyang si Kevin Kwan para matupad ang pangarap niya.

“It’s completely surreal when your childhood dreams unfold in front of you and become reality. Holding this issue of Harper Bazaar’s US with my feature on it feels unreal,” bahagi ng caption ni Heart.

Pinusuan ng followers ni Mrs. Chiz Escudero ang la­test achievement niya ito.

Pasadung-pasado kasi ang looks at taste niya sa fashion kaya napapansin ito internationally without her lifting a finger, huh!

Wala pang karanasan Ritz kinabahan sa halikan nila ni Pepe!

Sumabak na si Ritz Azul sa pagpapaseksi sa Regal movie niya with actor-singer na si Pepe Herrera, ang The Hopeful Romantic. Hindi siya nakapiyok nang sabihin sa kanya ng director na si Topel Lee na ibubuyangyang niya ang katawan suot ang two-piece bikini.

Meron din daw silang love scene ni Pepe. “Pero marami pa namang makakapanood! Ha! Ha! Ha!” saad ni Ritz sa presscon ng movie.

Walang boyfriend since birth pero nga­yong ay dating-dating lang muna. “Naghihintay ako ng guy na makakaintindi sa trabaho ko. Susuporta pa rin. So far, itong guy na ito, sumusuporta sa akin,” pahayag niya.

“Mas iniisip ko kasi ‘yung ibang bagay kesa ang buhay sa ganoon. Ako kasi medyo futuristic mag-isip kaya naiwan ko ‘yung bagay na ‘yon sa kabataan ko,” dagdag niya.

Palibhasa hindi pa nagkaroon ng boyfriend, nahirapan siyang magpaseksi at magkaroon ng kissing at love scenes.

“First kiss ko si Derek Ramsay pero smack lang ‘yon. Sobrang nanginig pa ako sa takot! Ha! Ha! Ha!

“Siyempre, humihingi ako ng suporta sa kapartner ko. ‘Sorry, wala pa akong experience sa ganito. Ikaw na bahala sa akin.’ Pero itong lately, natututo na ako sa katrabaho ko!” rason niya.

Produkto ng TV’s talent search na Star Factor si Ritz. Kasabayan niya ang wala na sa showbiz na si Eula Caballero na mas piniling lumagay na sa tahimik.

Kinabahan daw si Pepe sa love scene nila although very professional.

“Nanginginig siya. Firs time din niya sa movie sa ganoong scene. Makikita sa kamay niya na visible talaga ang nginig. Tapos, sabi ko, wag kang kabahan. Oo, may kissing scene din kami. Sa akin pa siya nanginig! Ha! Ha! Ha!” chika pa ni Ritz.

Christian sumasabog sa tuwa sa Miss Granny

Pinalakpakan din ni Christian Bables ng Pinoy version ng Miss Granny ni Sarah Geronimo na patuloy na humahatak ng datung sa box-office.

Walang expectations ng bida ng pelikulang Signal Rocknang manood at at ikumpara ang movie sa Korean version nito.

“Mas mahal ko yung atin. Mas malapit sakin. Sobra akong nakaka-relate Haayyy. Congratulations, Direk Joyce Bernal and team Mss Granny.

“I’m been a fan of ate sars talent. Ngayon pati sa acting, ang husay-husay! Silang lahat! Pasensiya na, sasabog ako pag hindi ko nailabas ang tuwa ko sa film. Haha! Salamat!” magkasunod papuring tweets ni Christian.

Sa totoo lang, kahit nagbukas ang isang local film last Wednesday, hindi naman apektado ang box-office results ng Miss Granny, huh! Lalo na ngayong may word of mouth na kumakalat na maganda at entertaining ang mo­vie, hindi pa rin ito makakabog at magpapatunay na matatag pa rin si Sarah bilang box-office star, huh!

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with