^

Pang Movies

James, jackpot ang pakiramdam kay Sarah

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
James, jackpot ang pakiramdam kay Sarah
James at Sarah

Hinampas ni Sarah Geronimo ang puwet ni James Reid sa isa nilang eksena sa magkasamang movie na Miss Granny habang nasa bilihan sila ng bulaklak. Eh, matambok ang wetpaks ng boyfriend ni Nadine Lustre kaya ‘yung palo sa kanya ng Pop Pincess ay may halong panggigigil, huh!

“It was really funny. Ang saya,” say ni James sa eksenang ‘yon. Apo ni Sarah ang role ng young actor pero importante ‘yon sa pelikula kaya walang bitin ang fans sa appearance niya.

Siyempre, feeling jackpot si James sa pagsasama nila ni SG. Bihirang movie ng movie ang Pop Star Royalty kaya naman incrediblle sa kanya ang experience niyang ‘yon.

“She’s a great actress. She can pull off any role, she can play very well,” dagdag ng young actor.

Ayon pa sa kanya, isang pangarap na naman ang katupad sa kanyang career.

“For me a lot of my dreams have been coming true. I feel really blessed and I’m so grateful to Boss Vic (del Rosario of Viva Films) for making everything happened.

“It’s a fun movie so the set is fun. Direk Joyce is very cool. The scenes are very light and fun,” saad pa ni James.

Huling napanood si James sa blockbuster film na Never Not Love You and after Miss Granny, sisi­mulan na niya ang pagbibida sa Pedro Penduko. Bago ang showing nito sa August 22, magkakaroon ng simultaneous premiere ang movie mamayang gabi sa SM Megamall at Trinoma.

Cast ng VM at Onanay, nakisaya sa Kadayawan

Binulabog ni Alden Richards ang nakipiyesta sa Kadayawan Festival sa Davao nitong weekend Hindi magkamayaw ang mga tao nang pumarada ang Pambansang Bae sa Pamulak Kadayawan Float Parade kahapon ang umaga.

Kinahapunan ay kasama ni Alden ang iba pang stars ng Victor Magtanggol na sina Pancho Magno, Kristoffer Martin at Dion Ignacio sa Kapuso mall show sa SM Davao City.

Bukod sa cast ng GMA’s VM, dumayo rin ang ilan sa cast ng Onanay, Kapag Nahati Ang Puso at ilang clashers sa singing search na The Clash.

Samantala, available na sa GMA Network at GMA regional stations ang request nilang merchandise ng telefantasya.

vuukle comment

MISS GRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with