^

Pang Movies

Kay todo kayod din, Dina hindi maiwan ang amang may sakit

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kay todo kayod din, Dina hindi maiwan ang amang may sakit
Dina Bonnevie

Inaaya raw ni Danica (Sotto-Pingris) ang kanyang nanay na si Dina Bonnevie na sumama sa kanila sa France kasama ang mga apo nito at asawa ni Danica na si Marc Pingris. Sa tingin naman ni Dina ay papaboran ito ng kanyang asawa na si Ilocos Sur First District Congressman, Deogracias Victor Savellano. Pero wala raw siyang choice kung hindi ang mag-stay sa Pilipinas para sa kanyang bed-ridden na tatay na isang abodago.

May sakit daw ito na high blood at may Alzheimer’s disease na rin, bagama’t nakikilala pa rin daw sila ng isang niyang kapatid na babae, pero paminsan-minsan na lang.

Lahat ng iba niyang kapatid ay nasa Switzerland na kasama ng kanilang ina.

Since kailangan ng kanyang ama ang dobleng pag-aalaga, minabuti niyang ipa-confine ito sa magandang hospital, kaya obvious na ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang magkaroon ng earnings, since ‘di naman daw niya puwedeng i-asa ang mga gastusin sa hospital sa kanyang asawa.

No wonder na pagkatapos ng seryeng The Blood Sisters na sina Carrie, Agatha at Erica na ginagampanan lahat ni Erich Gonzales, tinanggap naman niya ang offer ng GMA-7 na makasama sa gagawing serye nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo na Cain At Abel.

“Rest assured, though,” ani Dina. “Na bago ko tinanggap ang Cain At Abel, kumuha ako ng proper permission from ABS-CBN.”

Na-enjoy daw ni Dina ang paggawa ng The Blood Sisters, lalo na at kasama niya ang mga batikang artista na tulad nina Tessie Tomas, Cherie Pie Picache at Dante Rivero.

Kay Erich naman, maganda raw ang naging impression niya rito. Hindi lang daw ito magaling na aktres, mabait din daw ito at magaling makisama.

Halos sa kabuuan daw ang The Blood Sisters, sila ang magka-eksena, since mag-ina nga ang kanilang roles.

NAK nina Julia at Joshua umaapaw ang showbiz icons

Nag-uumapaw din Salve A., sa showbiz icon ang bagong serye ng ABS-CBN ngayon nina Julia Barretto at Joshua Garcia na Ngayon At Kailanman.

Makakasama nila rito sina Rio Locsin, Iza Calzado, Christian Vasquez, Alice Dixson, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, TJ Trininidad at Rosemarie Gil.

Ito ang magsisilbing comeback ni Rosemarie sa telebisyon, dati siyang big star ng Premiere Productions at kasal kay Eddie Mesa, ang Elvis Presley ng Pilipinas noong ka­pa­na­hunan pa niya. Mga anak nila sina Cherie Gil at Michael de Mesa na isa ring magagaling sa industriya ng showbiz.

Ang Ngayon At Kailanman ang unang seryeng pagtatambalan ng JoshLia, idinirek ito nina Mae Cruz-Alviar at Elfren Vibar. Star Creatives ang producer nito mula rin sa pangunguna ng ABS CBN Unit head, Malou Santos.

Nakagawa na sina Julia at Joshua ng mahigit tatlong pelikula, ang Vince And Kath And James, Unexpectedly Yours at I Love You Hater.

Mag-uumpisa na sa Lunes ang Ngayon At Kailanman, kapalit ito ng seryeng Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil.

vuukle comment

DINA BONNEVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with