^

Pang Movies

Matinding lambingan nirerendahan na ng mga bossing

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Sa media launch kahapon ng Nga­yon At Kailanman teleserye nila sa ABS-CBN, inamin ni Joshua Garcia na napagsabihan na rin siya ng management team niya na Star Magic na bawas-bawasan ang pagpi-PDA (public display of affection) nila ni Julia Barretto.

Hindi nga lang malinaw kung sinusunod ni Joshua ‘yon.

Pero kahapon naman sa media launch, hindi naman masyadong nag-holding hands ang dalawa habang on-going ang question and answer sergment. Hindi rin sila nagkikilitian.

Pero sa interview sa kanila after ng question and answer, naghawakan sila ng kamay.

Sabi ng isa sa co-stars nila na si Ina Raymund, nakakadala ang pagiging sweet ng JoshLia loveteam.

Kapag galing nga raw si Ina sa taping, nagiging sweet din siya sa kanyang mister dahil nakaka-inspire ang katamisan nina Joshua at Julia.

Maganda nga pala ang trailer ng Nga­yon At Kailanman at mukhang panalo ang bagong teleserye na ito ng Kapamilya network.

Alice walang alam sa ikinalulungkot ni Dingdong!

Late dumating sa media launch ng Ngayon At Kailanman si Alice Dixson.

Galing pa raw kasi siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kahit magsisimula nang ipalabas ang Ngayon At Kailanman ay hindi pa rin naman inaalis ang character na ginagampanan niya sa series ni Coco Martin, pero nilinaw niyang priority niya ang series na pinagbibidahan ng JoshLia love team.

‘Yung sa series daw kasi ni Coco, guesting lang daw dapat ‘yon na humaba dahil gumanda ang takbo ng istorya ng character niya sa show.

Hindi raw talaga niya alam kung ano ang mangyayari roon lalo na at magiging MWF na rin ang taping days ng Ngayon At Kailanman na siya ring taping days ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi raw niya kakayaning maglagare sa dalawang series, kaya posibleng mawala nga siya sa show ni Coco dahil isa siya sa main characters sa series nina Joshua at Julia.

Samantala, natanong din si Alice kung aware ba siya na ‘yung wedding photo nila ni Edu Manzano sa show ay ‘yung wedding photo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at na-photoshop lang ‘yon para maging sila nga.

Nalaman ni Alice sa interview na nagreklamo na tungkol doon si Dingdong at sumama nga ang loob ng aktor.

Sabi ni Alice, wala siyang kaalam-alam na picture ‘yon ng mag-asawa at kung sa kanya rin naman daw mangyari ay sasama ang loob niya.

In fairness to Alice, wala naman talaga siyang kinalaman sa bagay na ‘yon at problema talaga ‘yon ng production ng FPJ’s Ang Probinsyano.

OA ni Ogie maganda ang bentahan

Bukas ang dating sa bansa ni Ogie Alcasid mula sa New York City.

May Filipino event sa New Jersey si Ogie nitong nakaraang weekend at kailangan niyang umuwi kaagad ng bansa dahil sa rehearsal ng kanyang 30th anniversary concert na OA.

Bukas, mula sa airport ay uuwi lang si Ogie sa bahay nila ni Regine Velasquez-Alcasid para mag-fresh-up at pupunta na siya kaagad sa kanyang press interview para sa OA concert.

Mukhang wala namang trabaho bukas si Regine dahil tuwing Thursday ang ta­ping niya para sa singing competition show ng GMA 7, ang The Clash, kaya magkikita pa muna sila sa bahay bago aalis si Ogie para sa press interview.

Siya nga pala, masaya ang singer na maganda ang benta ng tickets para sa OA anniversary concert niya.

Sa August 24 na gaganapin sa Smart Ara­neta Coliseum ang OA.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with