^

Pang Movies

Marian nag-donate ng kalahating milyon sa mga batang may bingot

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-donate ng halagang P500,000.00 si Ma­rian Rivera sa Smile Train  Phi­lippines Foundation kahapon. Sa Instagram ng manager niyang si Rams David, tinanggap ng namamahala sa foundation ang check.

 

Caption ni Rams, “Sa Linggo pa ang Kaarawan mo pero nauna kna sa pag aa­lay ng regalo sa mga Batang may Bingot. Salamat sa Ngiting handog mo sa kanila Anak. Maraming salamat @marianrivera at Maligayang Bati sa iyung kaarawan  #smiletrain #yanangsmile #beshiealert #lovelivelove.”

Marami na namang batang may bingot na mapapangiti si Marian sa halagang inilaan niya para sa kanilang operasyon, huh!

Advance Happy Birthday, Yan Yan!

Anak nina Chynna at Kean, iba ang pinagkakaabalahan sa taping

Kinakaray-karay ni Chynna Ortaleza ang anak na si Stellar paminsan-minsan sa taping ng ginawagang GMA series na Victor Magtanggol.

Eh may bagong kinahihiligan ang anak nila ni Kean Cipriano kaya naman kahit iwan niya ang bata habang nagti-take eh, walang problema sa bagets.

Mahilig si Stellar sa art dahil ipinagmalaki ni Chynna sa kanyang Instagram ang nagawang artwork ng anak with matching title pang Galaxy x Stellar, huh! Kapwa artists naman sina Chynna at Kean kaya hindi malayong manahin din ng anak nila ang pagiging artist nila.

Sa totoo lang, hinahangaan din ng ilang batang ina si Chynna dahil napagsasabay niya ang trabaho at pag-aalaga sa anak. Relate rin ang Kapuso actress sa role niya bilang maalagang ina sa kanyang pamilya.

vuukle comment

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with