^

Pang Movies

Marian binigyan ng sorpresa si Dingdong

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian binigyan ng sorpresa si Dingdong
Marian at Dingdong

Pumapag-ibig muli ang pagbati ni Marian Rivera sa Instagram sa birthday ng asawang si Dingdong Dantes kahapon, August 2 sa lengguwaheng Espanyol na bati.

“Feliz compleanos Mi Amor!” bati ni Yan kay Dong.

Tugon naman ni Dingdong, “Thank you, my love!” Sarap naman, huh!

Sa IG story naman, may pasurpresa kay Dong si Yan kasama ang anak at iba pang malapit kay Dingdong. Ngayong buwan din ang kaarawan ni Marian kaya paniguradong may double birthday celebation ang mag-asawa.

Nanay na biyuda pinasaya ni Alden

Ipinarating ng isang anak ang pasasalamat kay Alden Richards dahil sa pagpapasaya niya sa inang nabiyuda kamakailan. Dahil sa Victor Magtanggol, ayon sa netizen na si Anna na may user name na @tweeteriing, naging malungkutin at laging tulala ang ina nang mabiyuda. Pero bumalik daw ang sigla at ngiti nito sa labi nang tumutok sa VM ni Alden.

“I want to say thank you for making my mom happy again. My father died last July lang at hindi madali for my mom to. Parang 3/4 ng mundo niya ang nawasak nung mawala si Papa.

“Sometimes nakikita ko siya na umiiyak, nakatulala, nag-iisip ng malalim. Pero nung magsimula ang VM at napapanuod ka niya every night, nakita ko ulit siya na masaya. Yung genuine happiness ba.

“Right now, I am so happy seeing her smile na parang ewan pag nakita niya ang VM nag-iba na siya,” tweet ng isang taga-subaybay ng programa.

Sa totoo lang, hindi lang ang nasabing byuda ang napasasaya ni Alden sa on going series. Maging ang  mga OFW ay nabibigyan niya ng kasiyahan lalo na’t dedicated din sa kanila ang fantaserye,

Viva Films tuluy-tuloy ang pasabog sa August

May pa-triple treat ang Viva Films ngayong August dahil tatlong malalaki at de kalidad na movies ang handog nito sa manonood,

Nagsimula ito sa Anne Curtis starrer na BuyBust na ipinalabas last August 1. Kinabiliban nang husto ng manonood ang pagka­kagawa ni Erik Matti ng pelikula and of course ang pagsalang ni Anne sa mapanganib na action scenes, huh!

Next in line ang love story na A Day After Valentine’s kung saan magbabalik ang box office tandem nina Bela Padilla at JC Santos na mula pa rin sa direksyon ni Jason Paul Laxamana na gumawa ng 100 Tula Para Kay Stella, ang number one blockbuster sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa August 22 ay isasalang ang Sarah Geronimo movie na Miss Granny kung saan sina James Reid at Xian Lim ang makakaromansa niya, huh!

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with