^

Pang Movies

BF nasa Amerika Yam ninamnam ang halik ni Jericho

YSTAR - Baby E - Pang-masa
BF nasa Amerika Yam ninamnam ang halik ni Jericho
Yam Concepcion at Jericho Rosales

Apat na taon na pala ang pagiging LDR o Long Distance Relationship ni Yam Concepcion sa kanyang boyfriend na si Miguel CuUnjieng na naka-base sa U.S.

Hindi raw seloso ang kanyang boyfriend at aware raw ito sa mga halik na pinagsasaluhan nila nina Jericho Rosales at Sam Milby sa upcoming series nilang Halik na handog ng ABS-CBN kasama si Yen Santos.

Nang tanungin si Yam kung sino kina Sam at Echo ang mas masarap humalik, natawa siya at sumagot ng: “Pareho, pero mas masarap namnamin ang mga halik ni Echo.”

Samantala, ang description naman ni Yen sa mga halik ni Sam ay ‘mabangis’, kung bakit? Hindi na niya ito in-elaborate pa.

May currently daw na idini-date si Yen ngayon, pero ‘di raw ang ibig sabihin nun ay ‘unavailable’ na siya.

Huli siyang napanood sa serye ni Maja Salavador na Wildflower na ang producer ay ang unit din ni Ruel S. Bayani na siya ring nasa likod ng Halik.

Sunshine at Liza kinakarir ang psychology

Determinado si Liza Soberano na matapos ang kurso niyang Psychology kahit na gaano raw siya ka-busy sa kanyang showbiz career.

Psychology din ang kursong kinuha ni Sunshine Cruz sa Arellano University at nagpaplano na siya ngayong kumuha ng masteral sa susunod pang taon. Sa ngayon kasi ay busy pa siya sa serye niyang Kapag Nahati Ang Puso kung saan ka-share niya sa billing ang dating fellow Kapamilya na si Zoren Legaspi.

Kasama rin sa cast sina Bing Loyzaga, Bea Binene, Benjamin Alves at marami pang iba.

Tulad ni Yen, Wildflower din ang huling seryeng ginawa ni Sunshine sa ABS-CBN.

Mga nanay nina Matteo at Sarah isang beses pa lang nagkita

Did we hear it right Salve A., na ang kapatid daw ni Sarah Geronimo ay nakatira sa sarili nitong apartment sa Tokyo, courtesy of their parents dahil doon daw ito nag-aaral?

Kamakailan lang ay nasa Tokyo rin si Sarah kasama ang kanyang nobyong si Matteo Guidicelli at napabalitang sa isang hotel daw doon sila tumuloy.

Pagse-celebrate nila ito marahil ng 30th birthday ni Sarah dahil wala namang naganap na ce­lebration si Sarah dito sa bansa noong mismong birthday niya ng July 25.

Samantala, sa isang interview, ibinuking ng nanay ni Matteo na nakilala na raw niya ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Pero isang beses lang daw ito.

Atleast di ba? nakita na niya ang kanyang future balae.

Sa totoo lang, mara­ming beses ko na ring nakausap ang nanay ni Matteo and I like her.

May pelikula ngayon si Sarah na malapit nang ipa­labas, ang Miss Granny, kung saan kasama niya rin dito sina James Reid at Xian Lim. Si Direk Joyce Bernal ang nagdirek ng nasabing pelikula, habang si Matteo naman ay patuloy na napapanood sa seryeng Bagani kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Career ni Ryza ayaw paawat

Nasa right track obviously ang showbiz career ni Ryza Cenon sa kabila ng napakarami niyang ginagawang projects.

Kasama siya sa cast ng FPJ’s Ang Probin­syano ni Coco Martin, kung saan natsi-chismis na magkakaroon daw sila dito ng love angle ni Vice Governor Jolo Revilla na gumaganap na kanang kamay ni Rowell Santiago. Ang role ni Ryza ay anak ni Rowell Santiago na isang presidente.

Kasama rin siya sa pelikula nina Coco, Vic Sotto at Maine Mendoza na Jak Em Poy: The Puliscredibles.

Hindi lang yan, may importante rin siyang role sa upcoming series ng ABS-CBN na The General’s Daughter na pagbibidahan naman ni Angel Locsin.

Ganunpaman, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang lovelife. Solid pa rin sila ng boyfriend niya for three years na si Cholo Barretto.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with