^

Pang Movies

Minamanehong kotse ni Sam wasak sa ginanap na celebrity car race

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Minamanehong kotse ni Sam wasak sa ginanap na celebrity car race
Sam Milby

Kahapon ay ka-text ko ang BFF kong si Say Alonzo.

Ikinuwento ko kasi sa kanya na finally ay nakilala ko na si Jessica Sanchez sa Fiesta Mo Sa Florida 2018 event kung saan ay may TFC (The Filipino Channel) participation silang dalawa ni Richard Gutierrez.

Malapit si Jessica sa pamilya ni Say na based sa Glendale, California.

Actually, madalas kumakain si Jessica at ang kanyang pamilya sa Barrio Fiesta kung saan ay ang pamilya ni Say ang may franchise sa lugar na ‘yon.

Habang kapalitan ko nga pala ng text message si Say ay naikuwento niya ang nangyari sa BFF din niyang si Sam Milby sa isang celebrity race kahapon.

Nag-crash daw kasi ang car na sinasakyan ni Sam sa nasabing celebrity race kahapon, pero okey naman daw ang aktor.

“Nag-message kasi sa akin just now. Mano­nood kasi kaming mga magkakaibigan mamaya, so, ikinuwento lang niya. Buti naman at okey siya,” sey ni Say na very thankful at ligtas si Sam.

“‘Yung car lang daw talaga ang napahamak at ligtas siya. Sayang at leading pa naman siya,” dagdag pa ni Say at ipinadala sa akin ang picture ng nasirang side ng kotseng sinakyan ni Sam.

Sa PBB (Pinoy Big Brother) pa nagsimula ang friendship nina Say at Sam at kahit ini-link sila noon sa isa’t isa, naging best of friends naman ang dalawa.

Ninong pa nga si Sam ng anak ni Say na si Asher.

Donita nakakapag-release na ng bitterness

Si Donita Rose sa Changi International Airport sa Singapore kahapon.

Sabi ni Donita, pabalik na siya ng bansa at dalawang araw lang daw siya sa Singapore. Naimbitahan kasi si Donita ng Google para sa cook off event nila roon.

Sa mga hindi pa nakakaalam, isa ring chef si Donita at isang culinary adventure ang event ng Google, kaya isa siya sa mga naimbitahan na pumunta roon.

“We stayed at Studio M Hotel. It’s not a 5-star, pero boutique hotel siya and the experience was definitely 5-star!” sey ni Donita sa tsikahan namin.

Noong araw, matagal na nanirahan sa Singapore si Donita, ang ex-husband na si Eric Villarama at ang anak nilang si JP.

Naging VJ pa nga sa MTV Asia si Donita. Biniro ko si Donita at tinanong kung naalala pa ba niya ang “nakaraan” niya sa Singapore?

“Hahaha! Laughing out loud right now. Actually, mixed emotions because of everything in the pas, ‘tapos pinaalala mo pa!” sabi niya.

Sinundan ko pa ang birong ‘yon na for sure ay pinuntahan niya ang dating pad nila at inalala ang mga panahon na happily together pa sila?

“I didn’t get any chance to go around. Work Lang talaga then straight home. We’re (she and Eric) friends now but I don’t want to reminisce about the past anymore.

“#Moveon on an nng Lola mo. Hahaha. And no love life rin. I am happy so far and will be super super careful next time. #Nawasakangpuso,” birong sabi pa ni Donita.

Sabi ko pa kay Donita, the way na sumasagot siya ngayon ay parang happy na rin talaga siya at nagagawa na rin niyang makipagbiruan tungkol sa kanyang failed marriage.

Noon kasi, pagdating sa topic tungkol sa kanyang ex-husband ay serious si Donita, pero simula nga nang magkaayos na silang dalawa at naisipang puwede naman pala silang maging friends alang-alang sa anak nilang si JP ay mas nakakapagsalita na siya tungkol kay Eric.

Kumbaga, no more bitterness sa nangyari sa kanyang married life!

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with