^

Pang Movies

Yam, type si Jericho!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yam, type si Jericho!
Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby

Sa presscon kahapon ng upcoming ABS-CBN drama series na Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion ay natanong ang dalawang aktres kung sino sa dalawang napakaguwapong leading men nila ang kanilang pipiliin sa totoong buhay.
Hindi makapag-decide si Yen dahil napakahirap daw pumili sa dalawa’t pareho ngang gwapo’t maganda ang katawan.

“Dumadating pa lang kami sa set at nandoon na ‘tong mga boys na ‘to, busog na ‘yung mga mata namin,” sabi ni Yen.

Hirit tuloy ni Echo, “bolera ‘to.”

Pero ani Yen, hindi raw siya talaga makakapili sa dalawa at sabay na lang daw.

“Sabay. MWF si Echo, TTHS si Sam,” sabi ni Yen.

Singit na naman ni Echo, kung ganun daw, pang-taping lang siya ni Yen dahil MWF daw ang taping nila. Tawanan.

Si Yam naman, diretsahan nyang sinabi na si Echo ang type niya dahil walang malisya daw ang pagtingin niya kay Sam at kaibigan lang.

Sigawan at kantyawan tuloy ang nangyari dahil sa sagot ni Yam. Syempre, flattered naman si Echo at si Sam naman umarteng na-hurt.
“Sam I love you,” pag-comfort ni Yam, “but si Echo ano siya, eh may character siya, parang iba ang personality niya. Kanya kanya naman tayo, eh. Merong type ang mestizo, ‘yung iba, type ang moreno,” pagtatapat ni Yam.

Samantala, ang Halik ay mapusok na kwento ng wagas na pagmamahalang susubukin ng panahon at tukso.  Kasama rin sa serye sina Sam Milby at Yen Santos na magsisimula na ngayong August 13 pagkatapos ng Bagani.

Victor malaki ang binago sa buhay ni Alden

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita rin sa entertainment press and bloggers ang costume ni Alden Richards sa Victor Magtanggol in flesh and blood.

Naka-costume rin ang mga gumaganap na Norse Gods and Goddesses na sina Andrea Torres (na isa sa leading ladies ni Alden), John Estrada, Pancho Magno, Miguel Faustman at Conan Stevens.
Siyempre, naroroon din ang isa pang leading lady na si Janine Gutierrez na pagka-sexy-sexy sa suot na see-through gown, ang direktor na si Dominic Zapata, at ang iba pang cast.

Kitang-kita ang happiness kay Alden all throughout the event at talagang ipinagmamalaki niya ang kauna-unahang solo teleserye na talaga namang gi­nas­tusan, binusisi at binuhusan ng atensyon ng GMA network.

Ayon kay Alden, talaga raw pinaghirapan nila ang serye kaya sobrang excited na raw siyang makita ng manonood ang bunga ng kanilang paghihirap.

Pinagmamalaki rin ni Alden na ito ang first project na talagang may input siya sa halos lahat ng bagay lalong-lalo na nga sa costume.

Bukod dito, kailangang maging physically fit din si Alden siyempre all throughout the serye at talagang bago rin simulan ang taping ay ilang months din siyang nag-work-out.

Bagama’t tatlo ang kanyang leading ladies, ayon kay Alden ay very minimal lang daw ang love angle sa storytelling ng VM at mas focused daw sila sa kwento ni VM as superhero, sa pamilya at ‘yung whole journey mismo ng karakter niya.

Magsisimula na ngayong July 30 ang Victor Magtanggol sa GMA Tele­babad at bukod sa mga nabanggit na sa itaas, kasama rin sa cast sina Eric Quizon, Freddie Webb, Maritoni Fernandez at Kristoffer Martin.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

SAM MILBY

YAM CONCEPCION

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with