^

Pang Movies

John tumaas ang TF sa Magtanggol

Nitz Miralles - Pang-masa
John tumaas ang TF sa Magtanggol
John Estrada

MANILA, Philippines — Hindi naman siguro nagsinungaling si John Estrada sa sagot na “opo” nang tanungin ng press people sa presscon ng Victor Magtanggol kung malaki ang talent fee niya sa pagtanggap ng telefantasya at pagganap sa role ni Loki, ang main contravida ni Victor Magtanggol (Alden Richards). Hindi na siyempre sinabi ni John kung gaano kalaki ang tf niya.

Sabi rin ni John, kaya siya lumipat sa GMA-7 ay dahil ang alam niya, biggest project ito ng network this year. Idagdag pa na gusto niya ang kanyang role na kahit kontrabida, mapapanood pa rin ng mga bata, pati ng anak niya dahil fantaserye ito.

Gaya ng ibang cast na ngayon lang nakatrabaho si Alden, puring-puri ni John ang actor na mabait daw, very approachable at lagi siyang ino-offer-an ng food.

Sa first day palang ng taping, nawala na agad ang takot niya na baka ma-out of place siya dahil si Coney Reyes lang ang kilala niya sa cast having worked with her sa ABS-CBN.

Sa July 30, pagkatapos ng 24 Oras na ang grand premiere ng Victor Magtanggol at inamin din naman ni Alden na pressure siya dahil ang makakatapat nila ay ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

“Kahit naman hindi Ang Probinsyano at hindi si -ang katapat ng Victor Magtanggol, mapi-pressure rin kami. Malaki ang pressure sa amin, pero naniniwala ako o kami na may malaking laban ang Victor Magtanggol,” kampante nitong sabi.

Kris at Joshlia movie, nakakarami na sa block screening

Walang nagsasalita kina Willie Revillame at Kris Aquino kung ano ang niluluto nilang project together dahil maaga pa raw para i-announce ang tungkol doon.

Samantala, nasa Indonesia si Kris ngayon para sa TVC shoot ng bago niyang endorsement. Parehong bawal sabihin kung saan siya exactly nagpunta sa nasabing bansa at kung anong product ang bagong endorsement, pero dito sa Pilipinas ang launching nito.

Bago umalis kahapon, dumalo muna si Kris sa two block screening ng I Love You, Hater na sponsor nina director Paul Soriano, Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga. Kasunod nito ang block screening na si coach Chot Reyes ang nag-sponsor at parehong sa SM Aura ginawa ang block screening. Dumating sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nagpa-block screening naman si Sharon Cuneta last Monday din.

Naka-ilang block screenings na kaya ang Star Cinema movie at malaki na ang box-office gross ng I Love You, Hater.

Pauleen aligaga na sa first birthday ni Talitha

Excited na si Pauleen Luna sa first birthday ng baby girl nila ni Vic Sotto na si Talitha at kahit July pa lang, pinaghahandaan na niya ang birthday ng anak sa November. Nasa IG Story ni Pauleen ang parang birthday invitation sa isang swimming party.

May post pa si Pauleen na “Excited for Talitha’s birthday (4 mos early, i know).” May mga nam-bash kay Pauleen dahil maaga pa nga, pero deadma ito. Pakialam ba naman ng mga basher, hindi naman sila ang gagastos sa pa-party.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with