^

Pang Movies

Bea inuunti-unti na ang pagpapakita ng alindog

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bea inuunti-unti na ang pagpapakita ng alindog
Bea

Galing na rin sa Kapuso actress na si Bea Binene na open siya sa possibility na gumawa ng mga daring scenes sa kanyang bagong teleserye na Kapag Nahati Ang Puso.

 

Kung tutuusin ay nasa tamang edad na si Bea para gawin ang kahit na anong eksena. Pero hindi raw dapat agad-agad ang pagsabak niya sa mga maseselang eksena.

“Hindi naman po puwedeng forever kang pa-tweetums. I am 20-years old na po at kailangan talaga nag-e-evolve ‘yung mga roles mo.

“That’s why I’m thankful, at the same time I’m very willing to take on this challenge, siyempre gusto ko rin ng iba po para sa mga viewers and I hope ma-portray ko po siya ng maayos, because it’s challenging.”

To be daring daw ay hindi ibig sabihin ay makikipag-bedscene siya agad sa leading man niyang si Benjamin Alves.

“Ang pagiging mature naman or ang pag-e-evolve hindi lang naman porket may bed scene ka.

“Hindi ko pa po alam kasi hindi pa po namin nababasa ‘yung script kung hanggang saan. Pero nasa pagiging prepared naman po ang lahat,” diin ni Bea.

May non-showbiz boyfriend din kasi si Bea kaya iniisip din daw niya kung ano ang mararamdaman nito kapag nagpaka-daring na siya.

“We respect our relationship, pero we also have boundaries.

“Ito ang work ko, he has to understand that.

“Pero not to the point na aabusuhin ko ang right kong iyon. Iisipin ko pa rin ang mararamdaman niya kapag may ginawa akong ganitong scene na alam kong hindi siya kumportable.

“Open naman kami to talk about it,” sey ni Bea.

Kaya sinisiguro ni Bea na nakikipagtulungan siya sa kanilang direktor na si Gil Tejada sa mga eksena sa teleserye.

“Hinimay himay namin ‘yung bawat characters with Direk Gil.

“Pero with the guidance naman po of Direk Gil, alam ko naman po na hindi kami pababayaan.

“As our director, malaki ang tiwala namin sa kanya. Kaya kung ano ang sa tingin niya na mas makakaganda sa story ng teleserye namin, open po ako sa mga gano’ng bagay,” pagtapos pa ni Bea Binene.

Rachel Valentine’s Day araw-araw ang feeling kay Gov. Migz

Nag-celebrate ng kanilang 4th anniversary bilang magsyota sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Camarines Sur provincial governor Miguel Luis “Migz” Villafuerte.

Nag-post si Rachel ng isang sweet message para kay Governor Migz via Instagram:

“4 years in and he still makes me laugh. Thank you my love for always having my back & for being my constant reminder that life is good (it truly is). I thank my lucky stars everyday that fate brought us together 

“Shoutout to @naypalad for making our anniversary so special. Swipe left to see the beautiful dinner they set up for us.. and that was only the beginning! Super grateful for a wonderful weekend”

Para kay Rachel at araw-araw ay parang Valentine’s Day kapag kasama niya si Governor Migz.

Pareho kasi silang busy sa kanilang mga trabaho, pero kapag may time na sila, matatagpuan silang magkasama parati sa Siargao kung saan meron silang coffeeshop na Bake Siargao.

Makikita sa mga post ni Rachel na love nila ni Gov. Migz ang beach kaya wala silang kuha na hindi nakalantad ang mga seksi nilang katawan.

Noong magtapos ang eight-year marriage ni Thomas kay Kimberly, nataon na single pa si Amanda.

 

vuukle comment

BEA BINENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with