^

Pang Movies

Maris at Iñigo, nagpakilig sa bagong kanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Maris at Iñigo, nagpakilig sa bagong kanta
MarNigo

Wow pinatunayan ni Maris Racal ang kanyang talento sa pagiging songwriter, dahil sa bagong nitong single na Tayo na ‘Di Tayo, mula sa album nitong Stellar na ni-release ng Star Music na inareglo   ni Tommy Katigbak ang pagsulat at pag-compose ng  kanta.

Ang ganda ng lyrics at music, para kang binabalik sa high school life mo.

Mas naging meaningful pa ang kanta dahil sa wakas ay magka-duet sila ni Iñigo Pascual na bagay na bagay sa MarNigo loveteam nila.

Pinagtagpo ang dalawa sa pamamagitan ng music, mula noon hanggang ngayon kung saan nagsimula ang love nila.

Masasabi talagang musical soulmate ang MarNigo dahil pure talent ang pinapakita ng da­lawa.

Umaapaw ang kilig na para bang nakakabatang pakinggan, feeling mo tuloy teenager ka ulit habang pinapanood sila sa kanilang recording ng single.

Magkahiwalay pa silang nag-record ha. Paano pa kaya kapag ginawan na sila ng music video na magkasama.

Lampas tenga ang mga ngiti ni Iñigo, habang pabebe naman si Maris sa pagpapa-cute ng una. Perfect match talaga.

vuukle comment

IñIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with