^

Pang Movies

Robin umaasa pa rin na makakasama si Daniel sa Marawi

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Robin umaasa pa rin na makakasama si Daniel sa Marawi
Robin at Daniel

Umaasa si Robin Padilla na makakasama pa rin ang pamangkin niyang si Daniel Padilla sa cast ng Marawi, kung saan siya ang magpo-produce kasama sina Piolo Pascual, direk Joyce Bernal at si Erick Raymundo.

Pamangking buo ni Robin si Daniel dahil ang tatay nito na si Rommel Padilla ang nakatatandang kapatid niya.

Naniniwala si Robin na makakatulong si Da­niel sa magiging resulta ng kanyang pelikula kapag pumayag na itong sumama sa kanya, aware naman kasi ito na ang pamangkin niya ay isang showbiz’s Teen King.

Sa ngayon, busy pa si Daniel sa paggawa ng bago nilang pelikula ni Kathryn Bernardo na The Hows Of Us, directed by Cathy Garcia-Molina.

Vice ginastusan ang Miss Q&A

May malaking kontribusyon daw pala si Vice Ganda, Salve A., sa malaki at magagandang papremyo sa segment ng It’s Showtime na Miss Q&A, pati na rin ang one million pesos na napanalunan ni Juliana Pariscovia Segovia bilang reigning queen.

Si Juliana raw ay nag-iisang anak ng kanyang inang dating OFW (Overseas Filipino Worker). Dine-dedicate raw niya ang kanyang pagkapanalo para rito.

Well, magaling naman talaga sa pagsagot itong si Juliana, she deserves it.

Mayor Herbert game na game makipagkita kay Kris

I-invite kaya ni Kris Aquino si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa premiere ng peikula nilang I Love You Hater, mamayang gabi sa Megamall?

Ayon kasi kay Mayor Bistek, kung makakatanggap daw siya ng invitation ay siguradong pupunta siya.

Kasama rin ni Kris sa nasabing pelikula sina Joshua Garcia at Julia Barretto, mula ito sa direksyon ni Giselle Andres under Star Cinema.

Dating ‘sisinghap-singhap’ lang na aktor noon, feeling boss na ngayon

Sobra pala ang current unfluence na nagawa ng dating ‘sisinghap-singhap’ lang na aktor na ito, mula nang mag-hit ang project na kanyang ginawa at kasalukuyan pang ginagawa.

Feeling boss na raw ang aktor na ito ngayon, napakarami na raw demands.

Well sana magtagal pa siya sa industriya.

Success can be fleeting sometimes, if not handled the right way.

As one former international beauty queen once said in an interview, “one can never go wrong with mindness.”

Joross direktor na rin

Hulaan niyo kung sino itong bagong direktor na makakasama ng ABS-CBN na magko-co-produce with Neil Arce’s N2 Production para sa isang digital movie?

Si Joross Gamboa, para sa peikulang Allergy In Love, na pangungunahan nina Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Kat Galang at Chie Filomeno.

Graduate pala itong si Joross ng Mass Commu­nication from Southville International School sa Paraña­que City. Ayon sa sa kanya, matagal niya na raw gusto ang pagdidirek. Sa katunayan nga raw ay ito ang itinuturing niyang ‘other love’ maliban sa pag-arte.

Sa ngayon, busy si Joross sa FPJ’s Ang Pro­binsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, kung saan gumaganap siya bilang isang kontrabida.

“Yes my character will somehow make life for Cardo miserable,” Ani Joross.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with