^

Pang Movies

Gary V. kinumpirma ang cancer of the kidney

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gary V. kinumpirma ang cancer of the kidney
Gary

Wala nang dapat ipag-alala ang fans ni Gary Valenciano na nawindang nang mapanood nila noong Friday night ang teaser ng Rated K tungkol sa pagkakaroon ng kidney cancer ng singer na binansagan na Mr.Pure Energy.

Mismong si Gary ang nagsabi na okey na siya kaya walang dapat ika-bother ang fans and supporters niya.

Nadiskubre na may kidney cancer si Gary nang sumailalim siya sa open-heart surgery noong May 2018.

“Don’t worry, catch the full interview and be relieved after” ang message ni Gary sa worried fans. Ang ibig sabihin, nalampasan na niya ang mga health crisis na kanyang pinagdaanan, two months ago.

Baguhang aktor ginamit lang ang yaman para sumikat

Wondering ang fans dahil naging artista ang isang newcomer na hindi star material at walang talent sa acting.

Mukhang mabait naman ang baguhan na aktor kaya nabibigyan ng mga movie at television project. Higit sa lahat, balitang-balita na mayaman ang pamilya niya.

Hindi ang aktor ang first and last na gagamitin ang kayamanan para matupad ang dream na maka-penetrate sa showbiz.

Marami na ang nauna sa kanya pero nabigo dahil kahit gumamit sila ng datung para sumikat, naging mailap pa rin si lady luck.

May mga magulang pa nga na ipinag-produce ng mga pelikula ang kanilang mga aspiring star na anak. Ang ending, nabawasan lang ang kayamanan nila dahil bumalik sa pagiging ordinary citizen ang mga anak na pinili na mag-artista kesa tapusin ang pag-aaral.

Going back sa newcomer, wait and see na lang tayo sa magiging kapalaran niya sa showbiz dahil kahit saang anggulo siya tingnan, wala sa kanyang aura ang sisikat at magtatagal sa showbusiness.

Zoren walang underwear sa fight scene

Parang shy na shy si Zoren Legaspi habang natatawa na ikinukuwento niya ang kanyang mga topless scene sa Kapag Nahati ang Puso, ang pang-umaga na drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa July 16.

Nang sabihin kay Zoren na maghuhubad siya sa isang fight scene, pinaghandaan niya ang taping as in nag-diet at nag-exercise siya pero hindi naman natuloy na kunan ang eksena na nasa putikan sila ng kanyang kalaban.

Kung kailan hindi feeling physically fit si Zoren, saka raw kinunan ang topless fighting scene niya at asiwang-asiwa ang kanyang pakiramdam dahil wala siyang suot na underwear.

Hindi nag-iisa si Zoren dahil marami rin ang mga topless scene ni Benjamin Alves sa Kapag Nahati ang Puso.

Noong Biyernes ang presscon ng coming soon teleserye ng Kapuso Network at ipinakita ang teaser kaya na-sight ko ang mga topless scene nina Zoren at Benjamin.

Bea sasabak sa pagiging fashion designer

Si Bea Binene ang isa sa mga lead star ng Kapag Nahati ang Puso.

Happy ako para kay Bea dahil nabigyan siya ng challenging role ng mother studio niya.

Kilala ko ang pamilya ni Bea na contestant noon sa Starstruck Kids kaya nasubaybayan ko ang pag-uumpisa ng showbiz career niya.

Isang struggling at talented fashion designer ang role ni Bea sa Kapag Nahati ang Puso. Ang role ni Bea ang reason kaya may mga manikin na wedding gown ang suot sa presscon ng teleserye na replacement sa My Guitar Princess na magbababu sa telebisyon sa July 13.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with