^

Pang Movies

Kiefer ayaw patusin ang offer na pag-aartista

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kiefer ayaw patusin ang offer na pag-aartista
Kiefer Ravena

Kamakailan lang ay nag-guest ang top cager na si Kiefer Ravena sa Tonight With Boy Abunda ni Boy Abunda. Ayon sa kanya, wala raw dapat sisihin sa pagkakasuspinde sa kanya ng FIBA (International Basketball Fe­deration) at naniniwala siyang lahat ng nangyayari ay may rason.

Sa tindig ni Kiefer at tangkad, bagay sa kanya ang pag-aartista, pasok siya sa movie star material. Pero agad niyang nilinaw na kahit suspended daw siya ng mahigit 18 months, wala pa rin daw siyang balak patulan ang mga offer sa kanya, mapa-TV man o pelikula. Sa halip daw ay lalo pa niyang kokondisyunin ang sarili, para raw sa pagbalik niya sa kanyang basketball career ay mas mahusay na siya.

Masuwerte rin si Kiefer sa kanyang girlfriend na isa ring atleta, si Alyssa Valdez na palaging nakasuporta sa kanya.

Jolo nagpapaka-busy para makalimutan si Jodi

Tahimik lang pareho ang mag-asawang sina Bong Revilla at Lani Mercado-Revilla tungkol sa hi­walayan ng kanilang anak na si Jolo Revilla at sa girlfriend nito for eight years na si Jodi Sta. Maria.

Sa totoo lang, hindi naman na ito ang unang pagkakataon na naghiwalay ang dalawa, nag-break na rin sila noong 2016.

Sa ngayon, pareho silang busy, at in fairness, gumanda na rin ang role ni Vice Jolo sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

He’s into songwriting na rin at posibleng mapunta na sa recording. Nito lang daw nadiskubre ni Vice Jolo na may talento pala siya sa pagkanta.

Ang pelikula nilang Tres ng kanyang mga kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla ay idinirek nina Richard Somes at Dondon Santos at malapit nang i-release by Star Cinema, habang si Jodi naman ay busy sa serye niyang Sana Dalawa Ang Puso kung saan kapareha niya sina Robin Padilla at Richard Yap bilang kanyang mga leading men.

Samantala, nilinaw naman ni Vice Jolo na kahit busy siya sa ibang bagay, ang pamumuno niya pa rin daw sa kanyang lungsod ang una niyang priority.

Promising talent butata sa inaasahang kasal sa nakabuntis

Samantala sobra raw ang frustrations na nadarama ng isang dating promising talent ng isang top network nang i-give up niya ang kanyang career para lang sa lalaking minamahal.

Bagama’t alam niyang hiwalay ang lalaki sa asawa, nagpa-buntis siya, hoping na once nakapanganak siya, ipa-aannul nito ang kanilang kasal sa dating asawa na nagkataong may ibang mahal na rin.

But for whatever reason, na ‘di naman niya mai­tanong sa ama ng anak, nanatili pa ring kasal sa dating asawa ang lalaki.

Direk Joey hinulaan na sila Donny at Kisses

Magiging ideal love team daw ang da­lawa sa mga artista niya sa pelikulang Walwal sabi ni direk Joey Reyes, ito ay sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Hindi lang sila basta bagay, pareho rin silang ta­lented.

Well, si direk Joey Reyes din ang nag-predict na magiging successful bilang loveteam sina Lea Salonga at Aga Muhlach nang idirek nito ang una niyang pelikula bilang direktor, ang Bakit Labis Kitang Mahal kung saan OctoArts Films ang nag-produced.

Hindi lang ito basta naging box-office hit, ito rin ang naglagay kina Lea at Aga sa kasikatan, lalo na nang ilabas na ang kanilang pangawalang pelikula, ang Sana Maulit Muli na naging box-office pa rin. Pero matagal na ulit bago pa nasundan iyon, pareho pa silang single nang gawin nila ang mga pelikulang iyon.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with