^

Pang Movies

Jake ila-loveteam kay Maine!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jake ila-loveteam kay Maine!
Jake Ejercito

Alden babu na talaga

Isa si Jake Ejercito sa mga napipisil para ma­ging kapareha ni Maine Mendoza sa month-long guesting nito sa Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA 7.

Hindi naman siguro bayolente ang magiging reaksyon ng fans dahil dati nang nakakapareha ni Maine si Jake sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Minsan nang na-link ang dalawa sa isa’t- sa pero kusang namatay ang isyu dahil walang katotohanan.

Parang hindi pa ready si Jake na magmahal muli dahil naka-focus ang atensyon niya sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanyang anak na si Ellie, ang lovechild nila ni Andi Eigenmann.

Jacob walang interes umarte

Malabo na pumasok sa showbiz si Jacob, ang younger brother ni Jake. Parehong artistahin ang mga mukha ng magkapatid pero magkaiba naman ang kanilang mga passion.

Parang enough na kay Jacob na naging image model siya ng isang sikat na clothing company sa Pilipinas kesa sundan niya ang yapak sa showbiz ng kanyang mga kapatid at magulang na sina Laarni Enriquez at Manila City Mayor Joseph Estrada.

Nag-graduate with honors si Jacob sa isang university sa Amerika. Mas mapapakinabangan niya ang kanyang talino at mga natutunan sa university kung hindi siya papasok sa showbiz.

Regine reynang-reyna sa mga gown na pinatahi

Ang gaganda ng mga gown na gagamitin ni Regine Velasquez sa The Clash.

Pang-reyna ang mga damit na isusuot ni Regine sa bagong reality competition show niya sa Kapuso Network.

Ipinakita na ni Regine sa followers niya ang ilan sa mga gown na malakas makayaman at sure na isa sa mga aabangan sa pagsisimula ng kanyang bagong programa sa GMA 7.

In fairness kay Regine, kabilang siya sa mga singer-actress na fashionista at magagaling na mga designer ang nagbibihis sa kanya.

Marami na ang mga fashion designer na sumikat dahil ginamit ni Regine ang mga damit na creation nila.

Singer actor, walang palya sa paggu-gluta

Masyadong vain sa katawan ang singer-actor kaya napagdududahan ang sexual preference niya.

Regular na nagpapaturok ng glutathione ang singer-actor para ma-maintain ang kaputian niya at hindi siya lumalabas ng bahay na walang make up sa mukha.

Secretive rin ang singer-actor tungkol sa kanyang lovelife. Matagal na siya sa entertainment industry at ni minsan, hindi nagkaroon ng balita na may girlfriend ang singer-actor kaya lalong pinaghihinalaan ang sexual orientation niya.

Abay Babes hindi pa rin tapos ang shooting

Hindi pa tapos ang shooting ng Abay Babes, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nina Roxanne Barcelo, Cristine Reyes, Kylie Verzosa, Natalie Hart at Meg Imperial.

May mga conflict sa shooting schedule ng stars ng Abay Babes pero matagal pa ang playdate ng pelikula kaya walang pressure na nararamdaman ang cast at production staff.

Dumayo ang lead stars ng Abay Babes sa Bicol dahil dito kinunan ang karamihan sa mga eksena ng pelikula na tungkol sa women empowerment ang kuwento.

Aktor ayaw patulan ang kadramahan ng nakarelasyong mhin

Walang plano ang aktor na magsalita tungkol sa mga pasabog ng mhin tungkol sa kanilang rumoured love affair.

Mapayapa na buhay ang dream ng aktor na obvious na turn off sa mga publicity stunt ng mhin na confirmed na nag-e-enjoy nang husto kapag pinag-uusapan siya ng madlang-bayan.

Malulungkot ang mhin kapag nalaman nito na hinding-hindi papatulan ng aktor ang kanyang mga drama sa buhay. Nagpapasalamat pa nga ang aktor dahil nakawala na siya sa maling relasyon na napasukan niya.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with